Isang Bilyonaryo, Handang Magbigay ng 180 Milyong Dolyar sa Lalaking Magpapa-ibig sa anak na Babae.

Si Gigi Chao, ay anak ng isang bilyonaryo sa Hongkong na si Cecil Chao-Sze-tsung, na pinamangha ang mga netizens sa alok nitong 180 milyong dolyar sa kung sino mang lalaki na makabihag sa puso ng anak nitong babae.

YOU MAY ALSO READ: 

Probinsyano ni Coco Tatapusin na sa Setyembre; Susan ayaw ‘Makulong’ ng 1 Buwan ,Kaya Hindi na Nagtaping pa.

7-anyos na Bata, Pumanaw Matapos Kumain ng Fried Chicken na Inorder Online

Cebu Town Mayor’s Testimony: CoVID-19 Walang Laban sa “TUOB” o Steam Therapy

Talagang hindi pala biro ang ganitong alok, dahil na plano na pala ito noong una pa ng kanyang Lolo, ang Ama ni Cecil at nagbigay ng alok na 65 milyong dolyar at sa pagdaan ng mga panahon ay tumaas na ito hanggang umabot sa 180 milyong dolyar.

Pangarap umano ng ama ni Gigi na magkaroon ito ng apo, na kadalasan ay mga normal na ring gusto ng bawat magulang sa kanilang anak. Dahil ayon pala sa balita, may iniibig noon si Gigi na si Sean Eav, ang problema ay isa pala itong tomboy kaya hindi matutupad ang kagustuhan ng kanyang amang si Cecil.

Ang nobya ni Gigi na si Sean ay taga-France na ayon sa balita ay siyam na taon nitong niligawan si Gigi bago niya ito mapasagot.

Hindi nagtagal ay lumalim pa ang pag-iibigan ni Gigi at Sean kung kaya naman naisipan na nilang magpakasal sa bansang France, ngunit hindi naman pabor ang ama ni Gigi sa kanilang relasyon.

Dahil hindi matanggap ng bilyonaryong si Cecil ang pakikipag-relasyon ng kanyang anak sa kapareho nitong kasarian ay sinabi nito sa publiko na single pa ang kanyang anak at magbibigay ito ng pabuyang 180 milyong dolyar sa lalaking makakapagpa-ibig sa kanyang anak na si Gigi.

Dahil sa ginawa ng kanyang ama ay nagalit si Gigi at sumulat ng isang liham para sa kanyang ama.

Narito po ang liham:

“I understand it is difficult for you to understand, let alone accept this truth.

“I do love my partner Sean, who does a good job of looking after me, ensuring I am fed, bathed and warm enough every day, and generally cheering me up to be a happy, jolly girl. She is a large part of my life, and I am a better person because of her.

“I’m sorry to mislead you to think I was only in a lesbian relationship because there was a shortage of good, suitable men in Hong Kong.

“There are plenty of good men, they are just not for me.”

Maraming netizen naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa ginawa ng ama ni Gigi.

“if she marries or not its up to her it her right. as a father of two girls myself ill let them decide on their own and all i can do is to support them.

“Hayaan mo na lng anak mo ang magdecide, Kung kailan cya mag aasawa..dahil kaligayahan nya yon..Kung saan cya masaya, suportahan mo na lng cya..bago mo ibigay ang million mo, Kung may anak na cla..dahil may mga ugali rin segurista.”

Loading...