Isa na namang Pinoy Surfer ang Ikinasal sa Magandang Dayuhan,Viral ngayon.

Ayon nga sa kasabihan “Love is blind” dahil ang totoo, hindi naman mata ang ginagamit upang mahalin ang isang tao, bagkus mas naninindigan ang pintig ng iyong puso, kahit pa minsan utak mo ay tatalunin nito.

Hindi dapat maging gwapo at maganda sa pananaw ng iba para lang magustuhan ka nila, dahil ang tunay na kagandahan ay makikita sa puso ng bawat isa, kapag nagmahal ka walang pinipiling kulay, edad at katayuan, kapag mahal mo, ipaglalaban mo.

Kaya marami ang humanga na naman sa isang istorya ng pagmamahalan sa social media ng isang surfer na kinilala kay John Mark Tokong, na nakapangasawa ng isang mala-dyosang babae na si Danni Hughes isang dayuhan.

Sa isang post sa kanilang Instagram account, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga larawan kung saan ay ginanap ang kanilang kasal na tila sa garden pa ginawa.

Marami ang nagulat at nabigla kung paano napa-ibig ng surfer ang dayuhang ito, dahil sa malaking pagkakaiba nila, sa kulay at sa taas.

Masisilayan din sa kanilang ibinahaging larawan ang cute na anak nilang si Olive na hinati talaga ang itsura sa kanila.

Noong nakaraang taon ay pinatunayan ni John Mark ang kanyang angkin na husay sa pagsu-surfing kung saan ay nagwagi siya sa isang paligsahan na tinawag na 25th Siargao Cloud 9 International Surfing Cup.

Naging tanyag din si John Mark sa social media dahil sa palagi-ang pagbahagi nito ng kanyang mga aktibidad sa surfing, kaya marami na rin siyang taga hanga mula sa socmed.

Sa pagmamahalan ng dalawang ito, marami ang nakapulot ng aral at natauhan sa tunay na diwa ng pag-iibigan, hindi kailanman naging basehan ang pisikal na kaanyu-an at ang inyong lahi dahil pinatunayan nila na mas balanse at masaya ang buhay kapag ang puso mo ang sinunod mo kung ano at sino ang sasamahan mo habambuhay.

Loading...