Hinangaan ang naging Reaksyon ng May-ari ng Luxury Car na Nabangga ng Mag-asawang Vendor, Nagulat sila sa Hininging Kondisyon nito

Totoo nga ang kasabihang ” Don’t judge the book by its cover” o wag husgahan ang tao a ano mang bagay batay lamang sa panlabas nitong anyo, dahil maraming taong magaganda ang panlabas na kaanyu-an ngunit kabaligtaran naman at maitim ang kanyang kalooban.

Karamihan, kapag may mga nakikitang mayaman na tao, ay hinuhusgahan nila kaagad ito, kesyo mayaman ay maarti na daw, hambog, mapagmataas at kung anu-ano pang negatibong kanilang mailarawan, samantala ang katotohanan diyan, maraming mayayaman naman na matulungin at mabait sa kanilang kapwa, kaya nga wag natin silang pangunahan o husgahan ng walang basehan.

Gaya na lamang ng isang pangyayaring ito na kinasangkutan ng mag-asawang nagtitinda lamang para may pantawid sa kanilang araw-araw na pangangailangan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabundol ng mag-asawang vendor ang isang mamahaling sasakyan na Lamborghini.

Ang mag-asawa ay fish vendor ang kinabubuhay at walang sapat na pera kung sakaling kasuhan sila ng may-ari ng sasakyan, kaya kinausap nila ang may-ari ng mamahaling lamborghini.

Alam naman natin na hindi biro ang presyo ng ganitong uri ng mga sasakyan, ang mamahal ng mga parte nito kung sakaling masira, kaya nagmamakaawa ang mag-asawa at halos maiyak na kung pwede daw nilang hulug-hulugan ang pagbayad sa nasirang parti nito.

Isa palang businessman ang may ari ng sasakyan, at ng kanilang kina-usap ay nagulat sila sa naging tugon ng may ari.

Wala daw silang dapat bayaran pero sa isang kondisyon na kung saan kinakailangan nilang mag donate ng 3000 Thai baht sa isang templo ng 10 beses.

Ayon pa sa businessman, ” I do not want to brag that I am rich but the reason is I do not want this coupele to compensate me for the damages caused to my car is because I want people to learn to forgive others. My car is very expensive and so what? If this accident was not done deliberately, shouldn’t we forgive others with an open heart?”

Loading...