“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Sa trabaho mas mainam daw na magkaroon ng mababait na boss at kasamahan kahit maraming trabaho, kaysa magkaroon ng hayahay na trabaho ngunit ubod ng maldita at mapapel na ka opisina.

YOU MAY READ ALSO:

Nag Ampon Sila ng Bata Mula sa Tsina, Ngunit Nagtaka Sila Nang May Makitang Pamilyar Na Mukha Sa Kapitbahay

Dating Nagsasahod ng 30 Pesos Lang, Ngayon nasa 1.5 Milyon na kada Buwan dahil sa Larong ML

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Ang trabaho ay nagiging madali kung ikaw ay inspire at mino-motivate ng iyong mga boss, kaya kakaiba ang isang CEO sa Pilipinas kung saan ipinamalas niya ang kanyang kabutihan.

Kamakailan lamang, nag post ang Ideal Visa Consulatancy CEO na si Charity Delmo at pinayuhan ang kaniyang mga empleyado na ibigay ang kanilang oras para sa kanilang pamilya at sinabi niya na kaya niya sila kinuha upang magtrabaho sa kaniya ay para sila ay maging mabuting tagabigay ng serbisyo at hindi ilayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kaniyang post, binigyang diin ni Charity ang pagbabalanse sa trabaho at buhay lalo na ang paggugugol ng mas maraming oras sa kanilang pamilya kaysa sa pagtatrabaho ng mas matagal na oras. Sabi niya,

“So when the time comes that you will have to choose between attending your sons and daughters’ school activities over a client’s needs, if you have to choose between your wife or your husband’s needs over mine as your boss, —please choose them.”

Ang kaniyang post ay mayroon ng mahigit 46,000 shares at nakatanggap ng mga papuri mula sa mga netizens. Ngunit, mayroong iba sa kanila ang nagtataka kung ang CEO na katulad niya ay talagang nabubuhay at kinwestyon ang pagiging lehitimo ng kaniyang post.

Sa kabila ng maraming pag-aalinlangang, ang post ni Charity ay tiyak na gumawa ng nakakaintriga at pagbubukas ng usapin sa pagbabalanse ng trabaho at buhay at kung ang kaniyang diskarte ay rebolusyonaryo o isang nakakakilabot o nakakagulat na galaw.

Isang malaking katanungan naman kung ang kanyang panukalang ito ay katanggap-tanggap din sa ibang mga kompanya. Ngunit sa panahon ngayon ng pandemya mukhang mas magkakaroon nga ng oras ang buong pamilya sa isa’t-isa, may realisasyon din palang hatid ang pandemyang ito sa atin.

Loading...