“Dracula” Billboard Ad, May Kakaibang Nagagawa Kapag Sumapit Na Ang Gabi

Hindi pa man napatunayan kung totoo nga ba ang sinasabi nilang dracula, pero kilala ito noong unang panahon, isang sikat na piksyong karakter na kadalasan makikita sa mga nakakatakot na mga pelikula.

YOU MAY ALSO READ: 

Probinsyano ni Coco Tatapusin na sa Setyembre; Susan ayaw ‘Makulong’ ng 1 Buwan ,Kaya Hindi na Nagtaping pa.

7-anyos na Bata, Pumanaw Matapos Kumain ng Fried Chicken na Inorder Online

Cebu Town Mayor’s Testimony: CoVID-19 Walang Laban sa “TUOB” o Steam Therapy

Isa sa mga epektibong advertisement maliban sa telebisyon at radyo ay ang pagpapaskil sa mga naglalakihang billboard na kadalasan makikita sa mga matataong lugar. Sa ngayon ay mayroong palabas na pinamagatang “Dracula” na mapapanood sa BBC One at Netflix, ngunit ang pagpopromote ng pelikulang ito ay hindi lamang makikita sa mga Tv commercials bagkus mayroon silang ginawang isang malaking billboard.

Masisilayan ang billboard na ito sa post na ibinahagi ng Never Stop Learning Page.

Sa umaga, hindi maintindihan ang itsura ng billboard. Sa kaliwang bahagi ng billboard, mayroon lamang mga kahoy na nakalagay na may iba’t-ibang haba at nasa iba’t ibang posisyon din.

Sa bandang kanan naman ng billboard, makikita ang titulong “Dracula” kaya naman masasabi na isa itong ad tungkol sa palabas na Dracula.

Pero palaisipan pa rin sa maraming nakakakita sa billboard kung para saan ang mga kahoy sa kaliwang bahagi ng billboard. Wala pang nakakaalam.

Ngunit pagsapit ng gabi, doon na makikita ang purpose ng mga kahoy sa billboard. Dahil sa anino na nagmumula sa mga kahoy na naliliwanagan ng spot light sa gilid ng billboard, nabubuo ang larawan ng Dracula pati na ang nakakatakot at matatalas na ngipin nito.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng page na Never Stop Learning ang itsura nito.

Sa ilalim na bahagi naman ng billboard, makikita ang signage na “In case of Vampires, Break Glass”. Dahil sa signage na ito, naging mas lalong nakakatakot ang billboard.

Marami ang humanga sa napakagaling na konsepto na kanilang ginawa, dahil kakaiba ito at talagang naka agaw pansin sa mga tao. Marami ang na intriga sa nasabing billboard kaya marami ang nagpasyang manuod ng pelikula.

Loading...