Dating Nagsasahod ng 30 Pesos Lang, Ngayon nasa 1.5 Milyon na kada Buwan dahil sa Larong ML

Naging matunog ngayon ang online game na “ML”, kung sa iba ito ay isa lamang laro at pampalipas ng oras ngunit para sa isang youtuber  ang paglalaro ng “ML” ay isang kapaki-pakinabang at naging instrumento para maabot niya ang kanyang pangarap.

Si Edgar ‘Choox’ Dumali, ang tao sa likod ng Facebook page at Youtube Channel na ChooxTv ay kamakailan lamang naglahad ng kanyang naranasang buhay at nagbigay inspirasyon sa kapwa niya ML player.

Ayon kay Choox, hindi naging madali ang kanyang buhay noon, dumaan din siya sa maraming mga pagsubok at problema bago naabot ang rurok ng tagumpay.

Pahayag niya, pinapaaral daw sya noon ng kanyang Ama, pero dahil medyu na humaling na ito sa paglalaro ng online games noong bata pa siya ay palagi itong uma-absent at nag cu-cutting classes para lamang makapaglaro ng mga paborito niyang online games kahit alam niyang mali ang kanyang ginagawa.

Ng lumaki na siya ay kinailangan niyang magtrabaho para matustusan ang kanyang mga sariling pangangailangan, marami siyang napasukang trabaho. Minsan sumasahod daw siya ng trenta pesos sa isang araw, alam naman nating maliit lamang ang ganyang halaga pero ito ay napagkasya niya sa buong araw at para sa susunod pa.

Nagtrabaho siya bilang taga hugas ng pinggan sa merkado, naging baker din sa panaderya at natutulog lamang sa katabi ng kural ng mga baboy, talagang literal na mahirap ang kanyang pinagdaanan kaya di mapigilang maging emosyonal ni Choox kapag naalala niya lahat ng hirap na kanyang naranasan.

Dahil kailangan niyang may mapatunayan sa kanyang mga kapatid , pinag-igihan niya ang paglalaro ng sikat na ML dahil gusto niyang e prove sa kanila na ang pagiging online gamer niya ay mayroong kabuluhan at pwedeng maging matagumpay at maabot ang kanyang mga minimithi.

Kaya pinag-aralan ni Choox kung paano niya mapagkakitaan ang paglalaro ng online game, dahil sa kanyang dedikasyon, natutunan niyang mag networking,vlogging at paggawa ng website. Maliban dito natutunan din niyang mag livestream at ito nga ang sa paglalaro niya ng ML na nagbigay sa kanya ng swerte.

sabi ni Choox,,

Ngayon, umaabot ng 1.5 million buwan-buwan sa YouTube at pag-stream ‘yung kinikita ko! Nakapagpatayo na rin ako ng bahay para sa pamilya ko!”

Isang patunay si Choox, na kung mayroon tayong nais marating sa buhay dapat ito ay gawan ng paraan at pagtrabahuan ng mabuti, maging mahaba ang pasensya dahil ito ay makakamit din.

Loading...