Dating Impersonator na si Ate Glow, Heto na ang Buhay Ngayon kasama ang British na Asawa.

Sabi nga nila mas mahirap daw ang role ng mga komedyante, dahil napakahirap hanapin ang kiliti ng mga manunuod upang sila ay mapangiti at masilayan ang kasiyahan sa kanilang mga labi.

Kaya mrami ang humahanga sa mga komedyanteng nagpapangiti sa mga mamamayan dahil naging malaking tulong ito upang mabigyan ng kaginhawaan ang kanilang pakiramdam.

Maraming mga komedyante sa ngayon ang nagsimula lamang sa pagiging magaling na impersonator ng mga kilalang tao at artista sa Industriya. Isa na dito ay ang stand-up comedian at presidential impersonator na si Ate Glow o naging tanyag sa kanyang panggagaya sa dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Dahil isang Pangulo ng Pilipinas ang kanyang napiling gayahin, naging kilala siya at sumikat , halos lahat ng kanyang mga spot-on impersonations ay naging instant hit.

Pero nagulat na lamang ang kanyang mga taga hanga ng biglang nawala ito sa Industriya taong 2010.

Kaya marami ang napatanong, Saan na kaya ang magaling na komedyanteng si Ate Glow?

Napag-alamang nag settle-down na pala ang komedyante at nagdesisyong lisanin ang buhay bilang impersonator at pinili ang mas mapayapa at tahimik na buhay sa London. Natagpuan na niya pala ang kanyang partner na isang British ng siya ay nagbakasyon sa UK.

Kalaunan napabalitang ikinasal si Ate Glow sa British boyfriend nito at naging legal ang kanilang pagsasama noong July 2, 2016.

Nang bumisita si Ate Glow sa Pilipinas ay nag guest pa ito sa isang morning show ng ABS-CBN, inilahad niya doon ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay bago niya matagpuan ang kanyang asawa. Naging emosyonal pa siya ng mapakinggan ang mensahe nito para sa kanya.

“It’s a pleasure to call you my wife. I’m so very proud of you and I love you very much. We have a fantastic connection and have done since day one. We really embrace our similarities and differences and it makes us a very strong couple together. And as always darling, I love you today, I love you tomorrow and I love you you forever.”

Kaya ito ang naging rason kung bakit hindi nagsisisi si Ate Glow na iniwan ang kanyang karera sa bansa, naging maayos at maganda ang takbo ng kanilang buhay sa piling ng kanyang asawa.

Loading...