Dating Batang Pulubi, Nagtapos bilang Valedictorian at Nabigyan pa ng Scholarship sa Australia

Ang sarap lasapin ng tagumpay kapag ito ay naabot bunga ng iyong sariling pagsisikap, ayon sa kasabihan ng iba, kung ipinanganak kang mahirap ay normal lang yun, ngunit kapag nagtanda ka at namatay na mahirap pa rin ay kasalanan mo na daw yon.

Kaya ang buhay ng bawat isa ay nakadepende sa kung paano mo sayawin ang iyong tadhana, maging masipag at madiskarte sa buhay.

Isang inspirasyon ang hatid ng dating batang ito na nakatira sa tambakan ng basura, isang dating pulubi na kumikita lamang mula sa basura. Gamit ang perang nalikom mula sa pamamasura ay nairaos niya ang kanyang pang araw-araw na pangangailangan.

Ngunit kamakailang ay nag-viral siya dahil nakapagtapos sya bilang isang Valedictorian at nakatanggap pa ng scholarship mula sa isang unibersidad sa Australia.

Ang babaeng iyon ay si Sophy Ron na nakatira sa tambakan ng basura sa Phnom Panh Cambodia. Gaya ng mga nakatira doon , hindi sya nakakapasok ng eskwelahan.

Si Sophy ay napunta sa Cambodian Children’s Fund (CCF) noong sya ay 11-anyos pa lang, pinag-aral sya doon at binigyan ng magandang buhay. Hindi naman ito sinayang ni Sophy at nag-aral ito ng mabuti. Dahil sa kanyang pagsisikap sa pag-aaral ay naging Valedictorian ito.

Lubos na nagpasalamat si Sophy sa CCF, kung hindi dahil sa kanila, wala sya ngayon sa kanyang narating.

Dahil din sa pagiging Valedictorian at binigyan sya ng full Scholarship mula sa University of Melbourne. Ngunit bago umalis si Sophy patungong Australia ay bumalik ito sa kanyang dating tirahan sa tambakan ng basura. Umaasa syang marami pang bata ang maging katulad nya na natulungan ng CCF.

Loading...