Dahil sa Pusa, Nabunyag ang Pinakatatagong Lihim ng Mister sa kanyang Misis

Sabi nila kapag daw mag-asawa na kayo, dapat maging open sa isa’t-isa, yung tipong wala kayong tinatagong sekreto sa isa’t-isa para maging mas matatag ang inyong pagsasama. Dahil mayroon nga daw kasabihan na “walang sikretong hindi nabubunyag” kahit gaano man katagal ang panahon.

Talaga ngang hindi mo maitatago ang isang sikreto, dahil parang kusang ito mismo ang naghahanap ng paraan para lumabas at malaman ng ibang tao. Dumarating pa ang pangyayaring ito sa di inaasahang pagkakataon.

Halimbawa na lamang ay ang pangyayaring ito kung saan ang walang ka malay malay na pusa ang nagsiwalat ng kanyang pinaka tatagong sikreto.

Mula sa Thailand ang kwentong ito na ibinahagi ng babaeng asawa patungkol sa kung paano nabuko ang sikreto ng kanyang Mister sa pamamagitan ng kanilang alagang pusa.

Siya ay kinilalang si Bow Kanuengnuch ayon sa kanyang facebook post, natagpuan daw niya ang isang sikretong kahon na puno ng pera na nakalaglag sa sahig ng kanilang bahay ang kahon na iyon ay pinagtataguan ng pera ng kanyang asawa.

Sabi niya na tumalon daw ang kanilang alagang pusa sa kabinet at di sinasadyang naitulak ang kahon na tinatago ng kanyang mister.

Bago pa daw kasi ang insidente ay humngi siya ng pera sa kanyang Mister upang pambayad sa kanilang mga gastusin sa tahanan ngunit tinaggihan siyang bigyan ng kanyang asawa dahil wala daw itong pera.

Makikita sa litrato na walang ka malay malay ang pusa sa mga nagsilaglagang mga pera mula sa kahon na nasagi nito.

Walang kawala ang kanyang Mister dahil nasa kamay na ng Misis niya ang kanyang pinakatatagong pera. Maraming netizens naman ang natuwa dahil sa pusa ay nabunyag ang sikreto ng lalaki.

Hindi naman nagalit ang babae sa ginawa ng Mister na pagtatago ng pera sa kanya, sa halip napatawa na lamang ito dahil sa di inaasahang nangyari sa perang pinakatatago nito.

Kung kayo po ba sa Misis, ano kaya ang magiging reaksyon nyo?

Loading...