Coco Martin, Komunsulta Di Umano kay Sen. Lito Lapid sa Posibleng Pagtakbo niya bilang Senador sa 2022?

Naging usap-usapan sa social media ang pagbisita umano ni Coco Martin ky Senador Lito Lapid, si Coco Martin ay kamakailan lang napasok sa isang kontrobersiya ng ipinalabas niya ang kanyang saloobin sa pagsara ng kanilang home network.Umani ng samo’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang ginawang pagbigay ng opinyon ni Coco.

Marami ang umiidolo sa aktor dahil sa pagganap niya bilang “Cardo Dalisay” sa Teleserye na “Ang Probinsiyano” na ngayon ay apektado dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN. Isa rin sa mga may papel dito ay ang Senador na si Lito Lapid.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo, hindi lamang ang “Ang Probinsyano” ang agenda nito sa pagbisita kay Sen. Lapid, kundi ang pagkonsulta nito para sa di umanoy pagtakbo sa pulitika sa darating na 2022 eleksyon.

Namataang binisita ng Aktor si Senador Lapid noong nakaraang linggo at sinabing hindi lamang daw ang “Ang Probinsyano” ang agenda ng actor sa pagbisita.

Ayon sa ulat sa Manila Standard noong Lunes June 15, ipinahayag ni Banayo na kinokonsidera ni Coco ang maging isang politician bilang alternative career niya dahil sa hindi katiyakang status ng ABS-CBN ngayon.

“[A] little birdie close to the superhero of telenovelas and nemesis of Solgen Joe Calida told me that Martin (Nacianceno in real life), had already discussed his non-cinematic future, that is, politics, with his ‘pinuno’ at the time his socmed defense of his ‘kapamilya’ network was raging,” ayon kay Banayo.

Nais umano ni Martin ang pagka-mayor pero pinayuhan siya ni Lapid na tumakbo na lamang siya na senador.

“Mas madali ang trabaho ng senador,” sabi raw ni Lapid kay Martin.

Sa report ng ABS-CBN, pahayag ng chief of staff ni Lapid na kumunsulta at humingi ng tulong si Martin sa senador para sa mga bagong “twists” ng “Ang Probinsyano”.

Sa ngayon, napapa-nood nang muli ang programang “Ang Probinyano” at iba pang shows ng ABS-CBN matapos ang halos tatlong buwang pagkawala sa ere.

SOURCE: THE PHILIPPINE TIMES

Loading...