Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Isa sa pinaka espesyal na pahina ng buhay ng tao ay ang makita ang tunay na minamahal nito at magpapasaya sa kanya, handang samahan siya habambuhay, kapag nakita mo na ang taong sa tingin mo ay para sa iyo, diyan pumapasok ang pagdedesisyong magpakasal.

Napakahalaga ng kasal dahil ito ang kontratang hindi nire-renew at kailangang panindigan ninyong dalawa na magkasama sa hirap man at ginhawa.

Sa usapang kasalan dapat ay kilala nyo ang bawat isa, ang kanyang mga gusto, kahinaan, at ang kanyang nakaraan. At dapat makasal ang dalawang tao na walang tutol ukol sa kanilang pagsasama.

Ngunit may isang kasalang naganap na imbis maging masaya ay napakapait ng kinalabasan, isang kasal mula sa China na kung saan ang dating kasinatahan ng lalaki o ng groom ay biglang sumulpot sa mismong araw ng kanyang kasal.

May nakuhang video kung saan makikita ang pag eksena ng babae sa kasal ng kanyang ex-boyfriend kung saan nasa punto na sana na hahalikan niya ang kanyang bride ng umeksena ang ex-gf nito. Naputol ang pinakahihintay na momento na iyon ng lumapit ang babae at nakasuot pa ng wedding gown at hinihila ang kamay ng groom habang umiiyak.

Second chance ang tanging hinihingi ng kanyang ex-girlfriend at sinabing iwanan nalang daw ng groom ang kanyang bride dahil gusto pa nitong magkabalikan silang muli. Sinabi rin ng babae na “It’s my fault” habang nakaluhod at humihingi ng patawad.

Ayon sa isang source, kaya daw sila nagkahiwalay ng kanyang ex ay dahil nanloko ang babae kaya sila nagkahiwalay ng lalaki. Ngunit halatang hindi pa nakapag move-on ang babae, kaya pati sa espesyal na araw ng kasalan nila ay nanggulo pa ito.

Ngunit, habang pinapaintindi naman ng groom ang kanyang bride naging kalmado naman ito at nakikinig sa kanyang groom, hindi niya pinatulan ang pagwawala ng ex-gf nito. Ngunit biglang nag walk out ang bride at tila na badtrip na sa eksena, sinundan naman kaagad ng groom.

At ang nagwawalang ex-gf ay makikitang naiwang nakaupo at patuloy pa ring umiiyak mag-isa.

Maraming netizen ang nagbigay ng suporta naman sa bride ukol sa naganap na eksena, at marami ang nagalit sa ginawa ng ex-gf na sumira ng kasal. Isang malaking kahihiyan ang ginawang gulo ng babae.

Loading...