Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Walang imposible, kung ikaw ay nagpupursige!. Sino nga ba naman ang walang pangarap sa buhay? Ngunit kadalasan ito ay mahirap abutin ng dahil na rin sa kahirapan. Walang sino man ang nanaising mamuhay ng isang kahig at isang tuka, kaya nga tayo ay nagsusumikap para may marating sa buhay balang araw.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Subalit ating pakatatandaan na sa bawat tagumpay ng tao, may lihim itong sakripisyo na pinagdaanan upang makamtan ang kaginhawaan.

Alamin po natin ang nakaka inspire na buhay at karanasan ng isang dating batang palaboy na isa na ngayong matagumpay na Scientist sa bansang Amerika.

Si Fernando ay nagmula sa Project 8, Quezon City. Ayon sa kanyang kwento ng buhay ay anim na taong gulang pa lamang siya ay inabandona na sila ng kanilang mga magulang sa hindi malinaw na rason.

Naging palaisipan hanggang sa ngayon kay Fernando kung bakit nga ba sila nilisan ng kanyang mga magulang, silang magkakapatid.

Naging palaboy sa kalye ang magkapatid dahilan ng dalhin sila sa bahay ampunan ngunit ayon kay Fernando ay hindi naging madali ang kanilang buhay roon dahil madalas ay nakakaranas sila ng hindi maganda.

Dahil sa hirap na pinagdaanan ni Fernando sa loob ng bahay ampunan, tumakas ito at mas piniling manirahan sa lansangan, mamulot ng basura at ibenta upang may makain sa araw-araw.

Hindi nagtagal ay bumalik si Fernando sa bahay ampunan dahil nalaman nitong mayroong pamilya na kukupkop ang kanyang kapatid at dadalhin sa bansang Amerika.

“So, they were gonna be adopted, just the two of them, and then one kid ran away from the orphanage looked for me, he said: Your brothers [are] gonna go and get adopted, so better go back, so I went back… I’m not stupd, right? I came back,” ayon kay Fernando.

Isinama si Fernando sa mga kukupkupin na dadalhin sa Amerika ngunit hindi rin naging madali ang kanilang buhay roon at muli silang ibinalik sa bahay ampunan.

Hindi nagtagal ay mayroong bagong pamilya ang nais silang kupkupin, ang mga Kuehnels na nagmula rin sa Amerika.

Itinuring ng pamilyang Kuehnels ai Fernando at kanyang kapatid na parang kanilang totoong anak at pinag-aral sila.

Nagpursigi si Fernando para makatapos sa pagaaral at nakapagtapos ito bilang isang BS Nursing at naging Summa Cum Laude pa sa business administration in healthcare.

Sa ngayon ay isa na siyang clinical scientist sa Novartis at founder na rin siya ngayon ng Kabataan Charity na kilala sa tawag na ‘K-Charity’ na tumutulong sa ibang batang ulila na at palaboy sa lansangan.

Ayon kay Fernando, ang tagumpay sa buhay ay makakamit sa pagiging masipag at pagpupursigi para abutin ang pangarap.

“You have to determine what success is to you. It doesn’t have to be millions of dollars. I tell my kids, there’s no problems that can’t be solved. You just won’t like the solution, but the problem can be solved. The takeaway is, you do have to work hard.”

Loading...