Barista,Nakatanggap ng P3.9M mula sa mga Tip ng Ipahiya siya ng Customer na tinanggihan niyang pagsilbihan dahil walang face mask

Sa panahon ngayon ng pandemya, ang tinatawag na new normal na uri ng pamumuhay ng tao ay dapat sundin at isa-alang alang, palaging nakasuot ng face mask, mag observe ng social distancing, at palagiang maghugas ng kamay.

Pati sa mga establisyemento, tulad ng mga opisina at restaurant kailangang sundin ang mga protocol na ito para maiwasan ang paglagananp ng v1rus sa buong bansa.

Kaya kamakailan ay may isang barista na nag trending at nakatanggap pa ng malaking pera mula sa mga tip na nagkakahalagang $78,000 o (P3.9 Milyon) matapos siyang ipahiya ng isang babae dahil sa pagtanggi niyang pagsilbihan ito dahil hindi nakasuot ng face mask.

Si Amber Lynn Gilles ay nasa San Diego, California branch ng Starbucks sa United States nang siya ay tanggihan ng lalaking barista na paglingkuran.

Naganap ito noong lunes, June 22 kung saan sa kanyang galit, kinuhanan niya ng larawan ang barista at ito ay kanyang ipinost sa social media.

“Meet lenen from Starbucks who refused to serve me cause I’m not wearing a mask,” Ayon sa kanyang caption

“Next time I will wait for cops and bring a medical exemption.” Dagdag pa ng customer na si Gilles.

Sa California, kailangan umanong magsuot ng face mask ang mga residente, sa loob o labas man lalo na sa mga pagkakataon na hindi possible ang social distancing.

Dahil sa kanyang post, umani si Gilles ng iba’t ibang batikos mula sa mga netizens at siya ay pinuna din ng mga nakabasa nito dahil sumunod lang naman sa patakaran ang lalaking barista.

Kasunod ng post ni Gilles, nag set-up naman ang isang Matt Cowan isang pahina ng GoFundMe (Tips for Lenin Standing Up To A San Diego Karen) upang makalikom ng pera para sa barista na si Lenin Gutierrez.

Sa umpisa ay hangad lang ni Cowan na makalikom ng $1,000 ( o P49,900) para kay Gutierrez, ngunit biglang dumagsa ang nagbigay ng tip at nalampasan pa ang naka set na halaga. Pagsapit ng Hunyo 24, nakolekta ni Cowan ang $ 10,000 ( o katumbas ng P499,800) at marami pa rin ang patuloy na nagbibigay.

Matapos ang malikom ang nasabing halaga ay nakipag kita si Cowan kay Gutierrez upang personal na ibigay ito sa kanya.

Kalaunan ay ipinahayag ni Gutierrez ang kanyang pasasalamat sa mga donasyon sa pamamagitan ng isang video sa kanyang Facebook page.

“It’s so shocking to see something get so big that only happened within a few minutes,” aniya pagkatapos pasalamatan ang mga sumuporta sa kanya.

Ipinaliwanag din ni Gutierrez ang kanyang side sa naturang pangyayari. Nang sabihin ni Gilles kay Gutierrez na hindi niya kailangan ng face mask, ipapakita sana ng barista ang isang papel na nagsasaad na required ang mga customer na magsuot ng mask.

Gayunpaman, bago maipaliwanag ni Gutierrez ang patakaran, sinabi niya na sinimulan na ni Gilles ang pagmumura sa kanya at inulit na hindi niya kailangan ng face mask.

Kalaunan ay umalis daw si Gilles at bumalik matapos ang ilang minute para kunin ang kanyang pangalan at siya ay kuhanan ng litrato.

“I thought that was going to be the end of it,” ayon kay Gutierrez “I didn’t know it was going to come to this.”

Nabanggit din ni Gutierrez na bago ang pandemya ng COVID-19, siya ay nag tatrabaho bilang dance teacher sa mga bata. Plano niyang gamitin ang pera para makapag focus sa pagsasayaw.

Loading...