Alessandra ayaw Sumama sa Street Protest ng ABS: Birthday nga, ‘di ako uma-attend, rally pa?

Dahil sa tuluyang pagsara ng Kapamilya Network maraming mga artista ang nananawagan na magkaisa at gumawa ng ingay para mabigyang pansin ng Gobyerno at maibalik sa ere ang Network. Isa sa mga artistang nagpapakita ng todo suporta ay sina Angel Locsin, Enchong Dee, Kim Chiu, Coco Martin at marami pang iba.

Panawagan nila sa kanilang kapwa artista ay makiisa dahil wala na daw silang network na pagtatrabahu-an sa ngayon,  kaya tama na ang pagpapa kyut at sumali sa kanilang isinasagawang protesta.

Ngunit nagpahayag naman ng reaksyon ang award winning actress na si Alessandra de Rossi, kung bakit never siyang nag-join sa mga protest rally para sa ABS-CBN.

Isang netizen kasi ang nagtanong sa kanya ng, “Bakit ikaw Alessandra, puro ka lang panalangin sa Twitter hindi ka naman sumasali sa rally para lumaban para sa mga Pilipino?”

Sagot ni Alex, “May COVID. Maawa ka. At saka hindi ako okay (mentally) ‘pag madaming tao. Birthday nga, ‘di ako umaattend, rally pa?”

“Ako pa ba? Kaya nga madami nag-iisip na maldita ako dahil ‘pag tama ako, ‘di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali.

“Pero ‘yung COVID ay wala akong X-ray vision para dyan. ‘Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal at wala akong planong matalo dyan,” paliwanag ng dalaga.

Hirit naman niya sa isang basher na nagsabing duwag siyang magpakita nang personal sa mga ABS-CBN rally, “I pray you look beyond your personal opinions na ‘di porket mas matapang ang isa ay takot na ang isa. Baka iba ang kinatatakutan niya.

“Ako sure na, COVID first, tapusin ko lang ‘to at baka ito ang tumapos sa akin,” dagdag pa ng aktres.

Sey pa ni Alessandra, “Feeling ko kung nasa ‘Pinas ang nanay ko babatukan ako nun kung lumabas ako. Iba-iba tayo ng kinalakihan, iba-iba tayo ng laban.

“Walang mali sa umattend ng rally dahil may gusto sila ilaban. Walang mali sa gusto palipasin muna to be sure. Isa lang kalaban ngayon at hindi ako ‘yun.

“Wala akong pagsisisihan if my only goal is to stay alive and do only what I can. Dahil ‘di ko pa tapos bayaran insurance ko para may makuha @ermatsko pag nadeadz ako.

“Wala naman akong savings, ni pang ospital wala. Ang importante ngayon… mabuhay tayo. So, Twitter na lang.”

Loading...