Akala ng Bata ay Mahimbing na Natutulog ang Kanyang Pumanaw na Ina sa Kabaong, na Kumurot sa Puso ng Publiko.

Isa sa pinakamasayang yugto ng buhay ng isang tao ay ang pagiging bata, sa ganyang mga edad ay wala kang ibang ninanais kundi ang maging masaya, makapaglaro buong araw, makakain ng tama , at matulog ng mahimbing.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Isa nga sa mga sinasabi ng matatanda ay ” Kung pwede lang makabalik sa pagkabata”, ay ginawa na nila dahil wala kang ibang iniisip na problema.

Ngunit sobrang napakasakit kung sa musmus na edad pa lamang ay mawalan ka na ng magulang o Ama at Ina. Marahil inosente pa ang ilan sa mga kabataan na hindi nila lubusang naintindihan ang pagkawala ng kanilang magulang. Kaya sa kanilang pagkawala dapat  ay may taong pupuno sa kakulangan ng kanilang mgulang ang magbibigay ng suporta, pagkalinga, atensyon at lubusang pagmamahal.

Isang larawan ang ibinahagi ng netizen na dumurog sa mga puso ng mga mambabasa, ang larawang ito ay kinalakipan ng isang batang lalake na nasa tabi ng kabaong ng kaniyang pumanaw na Ina. Nagpaluha sa mga netizens ang nasabing litrato, ramdam nila ang lungkot ng batang lalake habang nakatitig sa kabaong ng kaniyang Ina. Kumurot sa kanilang mga puso ng may sinabi pa ang bata sa kaniyang namayapang Ina, ” Bakit hindi ka natutulog sa tabi ko?”.

Sadyang napaka musmus pa ng bata at hindi alam ang mga nangyari sa kanyang kapaligiran, sobrang sakit para sa mga pamilyang naiwan niya ng marinig nila ang sinambit ng bata. Makikitang nakatungtong sa upuan ang bata habang yakap yakap ang kaniyang Inang nakahimlay, tila sinusulit ang bawat oras na makasama niya ang kanyang Ina.

Kaya sa mga kabataan ngayon, bigyang halaga at respeto ang inyong mga magulang, dahil iisa lamang ang inyong Ina, kapag sila ay nawala na, di mo na sila maibabalik pa, habang nandito pa sila ay iparamdam ang pagmamahal at paggalang , magpasalamat sa lahat ng kanilang gabay at suporta dahil utang natin ang buhay natin sa kanila.

Loading...