3-anyos na Bata, Marunong na Magluto ng Ulam, Ipinagluto pa ang mga kaibigan nito.

Naaliw ang mga netizen sa ipinamalas na aksyon ng tatlong taong bata na ito. Makikitang mukhang maaga pa siyang tinuruan ng kanyang mga magulang ng mga basic na gawain upang mabuhay.

Mas masaya kasi ang mga magulang kung alam nilang marunong na ang kanilang anak mamuhay mag-isa, maging responsable, disiplinado at matutong tumayo sa kanilang mga paa para kung sakaling mawala man ang magulang nila ay kaya na nilang harapin ang buhay ng mag-isa.

Isang video ang ini-upload sa youtube kung saan napahanga ang mga netizens dahil sa ginawa ng isang tatlong taong gulang na batang babae, nagluto ito ng pagkain para sa kanyang sarili at kalaro.

Umabot na sa higit 80,000,000 views ang nasabing video at patuloy pa ang pag trending nito.

Mapapanuod sa video na hindi lamang simpleng luto ang niluluto ng tatlong taong gulang na batang ito dahil sa pangalan pa lamang na Tasty Hilsa/Elish Fish Curry ay parang napaka-espesyal na nito na may sangkap na isda, green chili, coriander powder, cumin, red chili powder, turmeric powder at kanin.

Makikita din sa video ang ginawang paglilinis nito sa isdang lulutuin tulad ng pagkaliskis at paghugas sa mga nito.

Matapos mahiwa sa maliliit na piraso ang isda ay nilagay na nito sa malaking kawali at nilagyan na nito ng mga sangkap at binuhat pa nito ang mabigat na kawali na ipinatong sa isang lutuan na ginagatungan ng kahoy.

Nakaka-bilib din ang batang ito dahil siya mismo ang kumukontrol sa apoy ng kanyang niluluto sa mapapagitan ng paggatong ng kahoy sa kanyang niluluto.

Matapos ang ilang minuto ay luto na ang kanilang pagkain at inihain na niya sa kanyang mga kaibigan ang napaka-sarap nilang pagkain na siya mismo ang nagluto.


Marami sa mga netizen ang nagulat at napa-bilib sa talento ng tatlong taong gulang na batang babae na ito na sa murang edad ay kaya na nitong magluto ng kanyang pagkain.

Sana maging aral ito sa mga taong nasa wastong edad na ngunit hindi pa rin marunong magluto ng sariling pagkain at umaasa lamang sa mga binibiling lutong ulam.

Loading...