Walang Awang Ama, Natiis ang Anak na Naghihingalo sa Ospital at Magsalita pa ng Masama.

Tila isang laro lamang sa ibang mga lalaki ang pagkakaroon ng anak sa mga babae, lalo na kapag ito ay nabuo dahil lamang sa hindi seryusong kaganapan.

Maraming mga balita sa ngayon na dumarami na ang bilang ng mga kababaehang nabubuntis sa murang edad pa lamang at nagreresulta sa isang wasak na pamilya.

Ayon nga sa mga kasabihan, madaling tawaging isang Ama, pero napakahirap umakto bilang isang Ama, may iba diyan na kahit may kapansanan ay napaka responsable sa pamilya, mayroon namang kahit mayaman pa ay walang puso sa anak at asawa nito.

Sa isang post sa social media, umani ng pambabatik0s ang isang lalaki dahil sa ibinahaging pag-uusap nila ng Ina ng kanyang anak.

Marami ang nanggagalaiti sa gal1t dahil sa mga salitang binitawan ng lalaki sa kanyang ex-partner habang ang kanilang anak ay na ospital.

Ipinaalam ng babae  na na Ospital ang kanilang anak, yung ibang ama siguro kapag nalaman ang ganitong sitwasyon ay walang pag-aalinlangan na pupunta agad ito, pero ibahin niyo si Jonard, imbes na puntahan ang anak at tumulong sa mga usapang financial, siya ay nagbigay pa ng suhestyon na bumili nalang ng kabaong.

“Yaan mo na lang mamatay yan, total di mo din kaya mapagamot yan. Bilhan ko na lang ng kabaong,” saad ni Jonard.

Kahit ganun ay nakiusap parin ang babae na magbigay sana siya ng financial support, pero hindi ito pinagbigyan ng lalaki.

“Wag mo ko idamay sa anak mo, dahil kahit kadugo ko yan wala ako mabigay na tulong. Pumunta ka magpaktt ka sa iba at magpabayad ka para mabuhay ang anak mo, dahil ang sahod ko napupunta lang para sa sarili ko.

Napag-alamang may asawa na pala ang lalaki kaya walang paki alam sa dating partner nito. Nakakagigil talaga ang mga ganitong uri ng tao, Sana naman ay may makatulong sa mag-ina at mapabuti na ang kanilang kalagayan.

Loading...