Sunshine,Donna at Geneva, Ginulat ang mga Netizens sa kanilang muling Pagsasama, Ngunit tanong ng Ilan bakit hindi kasama si Sheryl Cruz sa kanila?

Biglang naging laman ng social media ang mga pangalan ng nagagandahang magpinsan na mga Cruz, Sina Geneva, Donna, at Sunshine Cruz, matapos na naghandog ng awitin ang magpinsan na kinasaya naman ng mga netizens dahil sa version ng kantang “You’re In love”.

Nagpasaya ng netizens ang magpipinsang sina Donna Cruz, Sunshine Cruz, at Geneva Cruz nang kantahin nila ang “You’re In Love” na orihinal na kinanta ni Wilson Phillips noong 1991.

Ayon kay Donna, sama-sama talaga silang kumakanta noong mga bata pa sila kaya sanay sila rito.

Sulat niya sa caption ng kanyang post sa Instagram, “Thanks Gen and Shine for inviting me to perform/sing a trio with you.

Ngunit tila marami ang nagtaka kung bakit hindi kasali sa kantahan ang pinsan nilang si Sheryl Cruz?

Ito ang tanong ng marami matapos mag-post ng larawang magkakasama ang magpipinsang sina Sunshine, Geneva, at Donna Cruz.

Tanong tuloy ng publiko: may isyu ba ang tatlo sa pinsan din nilang si Sheryl?

Ang iba ay nagbanggit ng naging hidwaan noon sa kanilang pamilya.

Sina Sunshine, 42, Geneva, 44, at Donna, 43, ay kilalang singers at actresses na umalagwa ang mga career noong ‘90s.

Pero nauna sa kanila si Sheryl, 46, na nagsimula bilang child star noong late ’70s.

Nananatiling aktibo sa pag-arte sina Sheryl at Sunshine.

Unang nag-post si Sunshine sa Instagram ng pictures niya kasama sina Geneva at Donna noong Huwebes, May 28.

Marami sa mga nagkomento ang naghahanap kay Sheryl.

Ang iba, nang-intriga na hindi raw kasundo ng tatlo si Sheryl.

Komento pa ng isa, hindi raw close si Sheryl sa tatlo. Hindi rin daw nagkokomento si Sheryl sa mga post nina Sunshine, Geneva, at Donna.

Dahil sa mga haka-haka, sumagot sina Sunshine, Donna, at Geneva.

Nagdetalye si Donna kung saan kinunan ang larawan nilang magpipinsan.

Ayon kay Donna, sumabay siya sa asawang eye surgeon na si Yong Larrazabal, 51, nang lumuwas ito sa Maynila para sa isang convention.

Paliwanag ng dating singer-actress, published as is: “Itong picture namin na kami nila Shine and Gen naman nag mini reunion kami na timing may convention/trabaho si Yong

“so naka bisita ako sa mga pinsan ko at free sila Shine and Gen nun at iba pa namin na cousins na kasabayan namin lumaki.”

Ani Donna, hindi raw nakadalo si Sheryl sa pagkikita nilang iyon dahil abala ito.

Pagtatanggol ni Donna kay Sheryl, “Dami work din ni Ate She nung time na yan, so mahirap na maka request din so happy na lang na nandiyan sila Shine and Gen nun”

Sa komento ni Geneva, binanggit nitong 2016 kinunan ang mga larawan.

Diretsa ring sinagot ni Donna ang netizen na nagtanong kung maayos ba ang relasyon nina Sunshine at Sheryl.

Sabi niya, “ok sila, may chat group kami cousins and hintay lang reply ni Ate She para maka plan na ng song.”

Tila ang tinutukoy ni Donna ay ang song collaboration nila online.

Kamakailan ay nag-post na ng duet songs sina Sunshine at Geneva.

Binigyang-linaw naman ni Sunshine na tapos na ang isyu nila ni Sheryl.

Tugon ni Sunshine sa nagkomento: “I also answered you po sa account ko.

“We are all ok. Cruzes may not see each other often but we do respect each other.

“We are in talks with Ate Sheryl for another collaboration.”

Loading...