Saan Nga Ba Napupunta Ang Mga Tirang Tinapay Ng ‘Bread Talk’ Na Di Nabebenta Sa Buong Araw

Isa sa kilalang taga gawa ng masasarap na tinapay ay ang Bread Talk, na makikita naman sa mga sikat na Mall sa buong bansa.

Kadalasan sa mga bakery ay nagsasagawa ng promo para mabilisang maubos ang kanilang mga panindang tinapay dahil hindi naman pwedeng magtagal ang mga ito at ibenta pa kinabukasan.

Mayroong mga closing promo, buy one take one, at iba pa, ito ay isa sa mga strategy nila para mapaubos ang mga paninda at hindi masayang, bagkus magiging dagdag pa sa kanilang kita.

Ngunit hinangaan naman ang naging kakaibang paraan ng bakery na ito para mapaubos ang kanilang tinitindang mga tinapay.

Ang Bread Talk ay hindi kailanman nagkaroon ng pakanang “Closing Promo” at marami ang nagtataka dahil dito.

Gayunpaman, may isang netizen naman ang nagbahagi ng kaniyang kuwento tungkol sa tindhang ito. Pansamantala siyang namalagi sa loob ng tindahan at nasaksihan niya ang ginagawa ng Bread Talk sa kanilang mga tinapay.

Sa socmed post ni Camae Muggle, suki na siya ng Bread Talk dahil sa mga discounts nito tuwing pasara na ang mga tindahan.

Maya maya pa, may nakita siyang isang lalaki na lumapit sa manager at nagtanong kung ‘Puwede na po?’.

Dahil sa pag-aakalang may closing promo din sila, kinausap niya ang manager ng store. Ngunit sa pagkamangha, iba ang sinabi ng store manager. Sinabi niya ang wala silang promo.

Tuwing gabi, ang lahat ng natitira sa kanilang store sa buong mundo ay napupunta sa mga charities. Ang lalaking lumapit kanina ang kumukuha nito tuwing gabi at idini-deliver sa charity.

Mayroon pala silang mga napiling Charity sa bansa kung saan ang mga natitirang paninda nila ay doon nila binibigay.Ito ang CRIBS Foundation, kung saan ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang ang nakikinabang dito. Dahil dito, nakasisiguro din ang mga tao na laging bago ang kanilang mga paninda at nakakatulong pa sila sa komunidad.

Sinabi din nila na sa halip na magbigay ng promo sa mga taong kayang bumili ng tinapay kahit walang promo, iba sila dahil mas nagpo-promote sila ng love sa halip na profit.

Napakaganda nag adhikain pala ng Store na ito kaya ibinahagi ng netizen para maging inspirasyon din sa lahat at pwedeng tularan ng ibang kompanya.

Loading...