Sa Halip na sa Altar, Lalaki Hinatid ang Kasintahan sa Huli nitong Hantungan

“Till Death Do Us Part” yan ang isa sa mga sinumpaan bilang mag-asawa, sa hirap at ginhawa dapat sila ay laging magkasama.

Napaluha ang mga netizens sa isang kwento na agad nag viral sa social media, ang kanilang pagmamahalang walang hanggan ay isa na lamang magandang alaala.

Ito ay isang kwentong pag-ibig nina Richielyn Jimenez at Ryan Casidsid, nakakadurog ng puso at parang sa pelikula lamang masasaksihan ang ganitong kwento.

Sina Richielyn ay Ryan ay nakatakda na sanang ikasal noong Disyembre 21, 2019. Ngunit hindi na ito matutuloy matapos pumanaw ni Richielyn.

Pagdadalamhati at pait ang siyang nararanasan ngayon ng naiwang si Ryan dahil ang kanilang mga pangarap ay biglang gumuho.

Mayroon palang TB meningitis ang babae na siyang dahilan ng kanyang pagkawala.Kwento ni Ryan sa kanyang Facebook post, nitong January 2019 lang ng mag-proposed siya kay Richielyn na magpakasal. Ngunit ngayong taon ring ito sinubok ang kanilang relasyon.

Noong October, napasin ni Ryan ang paglaki ng tiyan ng nobya. Nang ipatingin nila ito sa doktor ay napag-alaman nilang may ascitis siya o pagkakaroon ng pamamaga sa tiyan na sanhi ng pag accumulate ng tubig sa tiyan.

Marami umanong ginawang procedure at treatment kay Richielyn kaya natagalan sila sa ospital bago makauwi. Sa pag-aakalang bumuti na ang lagay ng nobya, biglang nakaranas naman ito ng matinding sakit ng ulo kung kaya bumalik sila sa ospital.

Nakita daw sa resulta ng mga lab test na may pamamaga sa kanyang utak. Ngunit nanatiling matatag si Ryan para sa kanyang nobya.

“Awang awa na ako sa asawa ko , na nagwawala na siya sa sobrang sakit nang ulo,hinati ko katawan ko sa umaga caregiver /nurse ako, at sa gabi nag wowork ako. Hinde ko iniinda yung pagod kasi ayaw ko na makaramdam din siya ng pagod mabuhay.”

Ayon pa kay Ryan nitong taon lang rin ay biniyayaan sila ng isang anghel, subalit hindi na nila ito nagisnan pa dahil nawala rin ito sa kanila nitong Marso.

Marami ang nagpahayag ng kanilang pagdadalamhati sa nangyari sa kanyang asawa, she may rest in peace kasama ng kanilang anak.

Loading...