Para hindi daw magloko ang Nobyo: GF, pina-print ang mukha sa br1ef na iniregalo sa Nobyo.

Naging goodvibes sa mga netizen ang ginawa ng isang babae sa kanyang boyfriend sa Pasay City, literal na kakaiba ang binigay niyang regalo dito.

Mula sa Facebook post ni Jhamn Kathe Lagmay pinahayag niya na nakatanggap siya ng regalo mula sa kasintahang si Hannah Faith Encabo ng brief na may naka imprintang mukha ng kasinatahan nito.

Ayon kay Lagmay, sinadya itong gawin ni Encabo para kung sakaling manloko siya at makita ito ng sinumang babae, tiyak na hindi matutuloy ang masamang plano nito.

Pero imbis na mainis, natawa at kinilig naman ang uploader.

“Hi love. Thank you sa gift mo. Lupit mo talagang magisip love wala akong masabi hehe. Epekto yan ng kakanood mo ng KMJS eh.” bahagi ng caption ng binatilyo.

Dahil sa natatanging handog ng dalagita, nagkaroon ng ideya ang ilang netizens sa kanilang ireregalo din sa kanilang mga asawa. Marami ang naggbahagi ng kanyang post at natuwa sa ideya ng nobya nito.

Loading...