Panuorin: Maninisid, Nagulat Nang Gambalain Ng Higanteng Anakonda Sa Ilalim Ng Ilog

Ang ahas ay isa sa mga kinatatakutang makita ng mga tao, lalo na kapag sinabi mong Anaconda ito, mula pa man noong panahon pa ni Eva at Adan, negatibo na ang paningin ng tao sa ahas.

May maraming uri ng ahas, may ibat-ibang kulay, haba at laki, may mga naninirahan sa tubig, sa lupa at pwede ding sa dalawa.

Isa sa mga uri ng ahas din ay ang Anaconda, ang ganitong klase ng ahas ay pwedeng humaba at lumaki hanggang 30 feet/ talampakan o 9 meters/metro. Ito ay may malaking katawan, makapal na leeg at malaking ulo na pwedeng makakain ang malalaking pagkain tulad ng caiman, capybara at maging ang leon at tigre ay pwedeng nilang kainin.

Isang close encounter ang inyong matutunghayan sa videong ito ng isang diver at malaking anaconda na sa wari mo’y pinapangalagaan niya ang kanyang nasasakupan. Ang lokasyong ito ay nasa malalim na ilog ng bansang Brazil.

Ang mala higanteng nilalang na ito ay may sukat na dalawamput tatlong talampakan (23ft) at bigat na pwedeng umabot sa isang daang kilo (100kg).

Ayon sa mga matatanda, ang anaconda ay pwedeng kumain ng tao, ngunit alam nyo ba na takot ang mga anakonda sa tao at mas gusto nilang kumain ng mga hayop kaysa sa tao.

Sinasabing ito ay “non-ven0m0us” o hindi nakakalas0n ang kagat bagkus itong nilalang na ito ay malakas at mapanganib pa din.

Kung ikaw ang diver na nasa larawan, at may nakita kang isang mala higanteng nilalang na anaconda, mangangahas ka ba na lumapit sa kanya?

Kadalasan daw ang ganitong klaseng hayop ay aktibo at nanghuhli ng makakain tuwing gabi, kaya malakas ang loon ng diver na puntahan at kunan ng video ang ahas ng malapitan.

Mapanganib nga ang ganitong uri ng mga hayop, pero lahat ng ito ay may kanya-kanyang kontribusyon sa ating eco-system, kaya hindi dapat sila mawala at maubos, sila daw ang nagpoprotekta sa mga ilog at iba pang naninirahan dito.

Sinasabi din ng mga matatanda na dinedepensahan ng mga anaconda ang anumang kalamidad na pwedeng mangyari sa kanilang tahanan. Malaki man o maliit, sila pa din ay nilalang ng Diyos kaya matuto din tayong protektahan at sila ay alagaan.

Heto ang video:

Loading...