Pagbili ng cellphone ng Lolang hikahos para sa online learning ng apo, umantig sa netizens

Matatandaan na pina-aga ang pagsara ng klase nitong taon dulot ng biglaang pagdami ng bilang ng infected sa c0vid-19, at ngayon naman ay ina-alala ng bawat magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa muling pagbukas nito sa Agosto.

Pero may mga programa ang Department of Education para di gaanong ma expose ang mga kabataan sa labas at maiwasan ang banta ng v1rus, may mga online classes, modular at iba pang hakbang na inihahanda ang ahensya sa pagbukas nito.

Isa sa mga problema naman ng mga mahihirap nating kababayan ang kawalan ng internet at gadget na magagamit ng kanilang mga anak.

Pero may mga magulang naman na ginagawa ang lahat, mabigyan lang ang kanilang anak, isa na rito ang viral na larawan ng mag-ina o mag lola na nakunan ng isang lalaking kanilang nakasabay sa mall.

Marami ang naantig sa larawang ito, agad na kumalat sa social media ang Facebook post ni Mico Tan matapos nyang ibahagi ang mga nakatutuwang larawan ng mag-lola sa labas ng mall.

Makikita sa mga litrato ang walang katumbas na kaligayahan ng naturang lola habang binubuksan ng kanyang apo ang bagong bili nyang cellphone.

Ayon sa photo uploader, nakita nya ang mag-lola sa mall habang nag-aantay ng kanyang order.

“Kanina nasa sm munti ako nag aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung apo nya ng cellphone.” saad ni Mico sa caption.

Kwento pa nya, labis umano ang tuwa ng bata ng mabilhan sya ng nasabing gadget.

“Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang. Ready for online class na sya hehehe. A mother’s love.” aniya.

Na-feature ng News5 Facebook page ang post ni Mico.

Sa caption, idinetalye nitong nag-tatrabaho sa palengke ang lola ng bata na bumili ng cellphone para sa pag-aaral ng kanyang apo.

Loading...