Narito ang Ilang Lugar Sa Pilipinas na Posibleng Lumubog Pagsapit Ng Taong 2050 Ayon Sa Mga Eksperto

Habang tumatagal ay palala ng palala ang mga nangyayari sa mundo, may malalakas na lindol, pandemya, mga pagsabog ng bulkan at mayroon pang binabalitang “The Big One”.

Ngunit kamakailan lang din ay naibalita sa News5 na may mga lugar di umano sa Pilipinas na maaaring lumubog sa tubig at mawala pagdating ng taong 2050, base yan sa pag-aaral na isinagawa ng New Jersey-based science Organization sa Climate Central.

Sinasabi din ng pag-aaral na ito ay epekto ng patuloy at lumalalang pagtaas ng tubig sa dagat at temperatura sa buong mundo dahil na rin sa carbon dioxide emission.

Marami naman sa ating mga netizens ang sinisisi ang patuloy na pagtaas ng carbon dioxide emission dahil nagiging sanhi ito ng pagkatunaw ng mga glaziers sa ilang parte ng mundo na nagiging sanhi ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng dagat sa buong mundo.

Ibinahagi namanĀ  ang mga lugar na maaaring lumubog sa Pilipinas , ito ay ang Roxas City, Cebu City, Southwestern Metro Manila, Northwestern Metro Manila at ilang parte ng Bulacan, Zamboanga City, Iloilo City, at City of Manila,

Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ukol dito. Ilan ay nagbahagi ng kanilang pagkadismaya at pagkalungkot, habang yung iba ay sinasabi na ito na ang maaaring palatandaan na malapit na mag wakas ang ating mundo.

Ngunit, marami din sa ating mga netizens ang hindi naniniwala sa naging pag-aaral ng nasabing organisayon.

Narito ang ilan sa mga komento ng ating mga netizens:

“palatandaan na malapit na ang wakas, well wag tayong magbigay ng petsa. dahil walang nkakaalam kung kelan yan darating. Diyos lang ang may alam ng lahat. magsisi na lang tayo at manalangin sa Diyos.”

“Nangyari na ito sa Jakarta kaya ililipat na nila ang kanilang capital city sa East Kalimantan in the island of Borneo. Cities already sinking were; London, Dhaka, Bangkok, New Orleans and other cities in the world.”

“only God knows what will happen to us and mother Earth on year 2050 which is 31 years from now. I always believed in God’s miracle to our beloved country the Philippines.”

SOURCE: THE RELATABLE

Loading...