Mag-Asawa, Maswerteng Naka-Diskubre ng Kayamanan at mga Misteryosong Bagay sa Kanilang Nire-renovate na Bahay.

Isa sa mga pangarap ng bawat tao ay ang magkaroon ng tahimik at magandang tahanan, kahit na ito ay simple pero puno naman ng pagmamahalan sa mga taong naninirahan dito, maituturing na itong palasyo.

Kabilang sa basic needs ng tao ang pagkakaroon ng tirahan upang mag silbing proteksyon sa kanya at sa kanyang pamilya kapag dumating ang tag-ulan at matinding init, ito ay kanilang masisilungan.

Ang bahay ay siyang lugar na kung saan sinu surrender mo ang iyong sarili dahil sa magdamag na pagod, pagre-relax at tamang pahinga, kaya kailangang ito rin ay iyong alagaan at panatilihing malinis sa araw-araw.

Katulad na lamang ng kwento ng mag-asawang Eddie at Angel mula sa Arizona, na nag plano silang ipa-renovate ang kanilang bahay, ngunit nabigla sila ng may nadiskubreng isang sekretong kahon na may lamang mahahalagang bagay at bank notes.

Ayon sa kanila, nais lang naman nilang ipa-ayos ang mataas na parti ng kanilang bahay,at doon nakita ang isang kahon, sinubukan umano nilang buksan ito at tumambang ang lamang pera at iba pang mahahalagang gamit.

Nagulat na lamang sila sa kanilang nadiskubre na ang nakita nilang kahon ay may nakatago palang kayamanan.

Nang kinwenta nila ,umabot ito sa halos $51,080 o 2.5 milyon pesos sa ating pera, yan ang halaga ng laman ng kahon, at iba pang mga misteryosong bagay.

May laman din itong libro na may pamagat “ A Guide for the Perplexed” na naipublish noong 1977. May nakaipit na black and white na larawan sa libro na tila parang may ipinapahiwatig sa lugar na yaon.

May nakasulat pa sa likod ng natagpuang larawan na nagsasabing ” Alan, I have a book you must read. I’ve underlined a few key passages. Your friend, Vincent”.

Maliban sa larawan ay mayroon pang bingo card na may markang ‘x’ sa itaas ng mesa sa estado ng Arizona kung saan parang ibinibigay nito ang clue kung ano ang kanilang matatagpuan doon. Hinala rin nila na ang mga bagay na nakatago doon ay may mga ibig ding sabihin.

Kung pakinggan mo ang sinasabi ng iba, ito daw ay baka sekretong kayamanan din kung saan ibinibigay ang detalye kung saan ito matatagpuan.

Loading...