Lovi Poe, Nagpahayag Kung Anong Career Sana Ang Kanyang Tinatahak Kung Buhay Pa Ang Amang Si FPJ

Sa ating bansa, napaka importanti ng role ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang kanilang pag gabay ay mula nung isilang ka sa mundo hanggang sa manganak ka na, andyan parin sila patuloy na tumutulong at gumagabay.

Ang Ama ang siyang may malaking bahagi sa pamilya, siya ang haligi upang makatayo ng buo ang bawat miyembro nito, nagsusumikap upang mabigyan ng mabuting buhay ang kaniyang mga anak.

Napakaswerte ng mga anak na hanggang ngayon ay kalinga pa rin ng kanilang Ama at Ina.

Ang sikat na Aktor na si Fernando Poe Jr, ay hindi lamang haligi ng kanyang pamilya, kundi pati na rin sa Industriya ng Showbiz, kilala sa tawag na “Da King”. Ginampanan niya ang iba’t-ibang imahe sa kanyang mga pelikula at gayundin bilang Ama sa kaniyang mga Anak.

Sa kanyang pagpanaw noong Disyembre 14, 2004, halos buong industriya at kanyang taga hanga ang nalungkot ng labis, malaking kawalan si Da King sa Industriya.

Kahit pa man pumanaw na si Da King, ang kanyang mga ala-ala ay buhay na buhay sa kanyang mga taga suporta.

Ang kanya namang anak na si Lovi Poe na ngayon ay isa ring magaling na aktres ay umaming minsan lang daw siya nakadalaw sa puntod ng ama, ngunit nangangako na dadalaw ito at mag-aalay ng dasal.

Sa tuwing ginugunita ang kaarawan ng kanyang ama iniisip niya kung ano kaya ang takbo ng kanyang karera kung merong ama na gumagabay sa kanya.

Ano man ang mga nakamit ni Lovie ngayon iniisip niya kung sa bawat tagumpay mayroong ama na sumusuporta sa  bawat hakbang ng kanyang karera bilang isang aktres.

Pahayag pa niya na kung nabubuhay pa ang kanyang Ama, marahil siya ngayon ay isang Psychiatrist. Ngunit, ano man daw ang takbo ng kanyang buhay at karera, nananalig naman siyang andiyan ang kanyang ama na patuloy na gumagabay sa kanya.

Loading...