Look: Lolang Nagbabasa ng Bibliya Sa Labas Ng Maliit Nyang Kubo, Umagaw Sa Atensyon Ng Lahat

Sa panahon ngayon, iilan na lamang ang makikita mong tunay na taga panampalataya at nagbabasa ng bibliya, kaya naging viral ang larawan ng isang matandang nagbabasa ng bibliya sa labas ng kanyang tahanan.

Pumukaw sa atensyon ng mga netizen ang larawang ito ni lola na seryosong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, ibinahagi naman ito ng isang Facebook page na Issues International.

Nawalan daw ng kuryente sila Lola kaya naman sa labas siya nagbabasa ng bible upang makita at mabasa niya ng mabuti. Siya ay taga Sitio Nanima, Malungon, Sarangani Province.

Ang mga larawang ito ni Lola ay patuloy na ikinakalat sa facebook maging sa ibang socmed. Ito ay umani ng madaming positibong komento. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Yung iba nga..puro daing sa buhay sasabihin ang hirap ng buhay.. Haha…Kaya pasalamat nlng kau kung anung meron kau..tgnan mo si lola…lahat dinadaan mga suliranin kay God.

“God bless po nanay ..more new years to come po sa inyo ..saludo po ako sa inyo nanay at nakakabsa p kyo ng bible maayus p po anf paningin nyo at yan ay pagpapala ng panginoon sa inyo …”

Talaga namang pinuri at hinangaan siya ng marami. Sana ay maging inspirasyon siya sa ibang tao tulad ng kabataan at may mag pinagdadaanan sa buhay.

Ang larawan ni Lola ay isang mahalagang patunay na kung pinapahalagahan mo ang mga salita ng Diyos ay hindi batayan ang edad at pisikal na kaanyu-an, manalig sa kanyang mga salita at humingi ng taos-pusong pagpapatawad sa nagawang mga sala at tiyak ang kaginhawaan ng buhay ay ating makakamtan.

Loading...