Lolo, Naiyak ng Hinarang at Pinakyaw ng Pulis ang Kanyang Panindang Saging.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may mga balita tayong nababasa na mga positibo at magandang pag-uugali na ginagawa sa ating kapwa.

Katulad na lamang ng ginawa ni mamang pulis na talagang deserved niyang purihin at pasikatin. Hinangaan at marami ang saludo sa ginawa ni Sir sa isang matanda na naglalako ng saging.

Ayon sa viral FB post, pinakyaw daw lahat ni mamang pulis ang mga panindang saging ni Tatang, hinarang umano ng pulis ang matandang nagtitinda ng mga saging sa daan.

Medyu natakot rin ang matanda sa pagharang ng pulis ngunit natuwa ito ng binilang umano ng pulis na kinilala kay Police Officer Jojo Paguia ang lahat ng paninda niyang saging. Pagkatapos mabilang ay binili niya lahat ito sa matanda.

Ayon naman sa Pulis ginawa niyang pakyawin ang paninda ng matanda para makauwi na ito dahil sa mapangan1b ang panahong ito para sa kanyang edad na mabilis ma hawaan ng kumakalat na v1rus.

“Umuwi ka na tatang, papakyawin ko na po itong mga paninda mo, tirik ang araw kaya wag na po kayong maglakad sa kalsada para di na kayo mapagod saka para hindi na kayo makasagap ng v1rus sa makaksalamuha mo”, sabi ni Police Officer Paguia kay Lolo.

Pati sukli sa kanyang binili kay lolo ay hindi na rin niya kinuha at kusang ibinigay nalang sa matanda at dinagdagan pa umano ang perang binayad niya parang tulong na rin, para sa mga susunod pang araw na gastusin ni lolo at matuwa naman ang pamilya nito.

Dahil sa magandang ugaling ipinakita ng Pulis ay di maiwasan ni lolo na maging emosyonal, naiyak umano si lolo dahil sa magandang nangyari sa araw na yaon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Big salute sa’yo sir, sana dumami po ang tulad niyo”

“Sir, sana tularan kayo ng iba pang naka-unipormeng tulad ninyo”

“Nakakaluha po ang pagtulong ninyo sa matanda para lamang makauwi na siya”

“Ito dapat ang pinapasikat dahil sa kabutihan. very good po sir!”

Loading...