Larawan Ng Pagod At Madungis Na Seaman, Pumukaw Sa Pananaw Ng Mga Tao Tungkol Sa Trabaho Nila

Walang trabaho na madali, kahit sabihin pang may limpak limpak itong sahod kumpara sa iba, malaki ang kita mas malaki ang responsibilidad na dapat gampanan.

Pag nakarinig ng salitang seaman, pumapasok sa kukuti ng mga tao na malaki ang sahod nito, maraming babae ang mga ito, sila ay mga seamanloloko ika nga.

Pero baka mag-iba ang pananaw mo sa kanila kapag nabasa mo ang post na ito na mula kay Ticong Nicolas Jimma na ibinahagi sa isang pahina ng SeamanLifestyle, pahina na para sa mga marino.

Sa unang bahagi ng kanyang post, sinabi niya “Love your husband/boyfriend/family as he loves you and your relationship. Saludo sa mga marinero na walang sawang nagpapagod para sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng magandang buhay.”

Ang lalaking nasa larawan ay kanyang asawa, ibinahagi niya ito upang ipakita ang kalagayan ng mga seaman sa barko. Nais niyang iparating sa netizens na hindi madali ang trabaho ng mga seaman kaya nararapat lamang na bigyan sila ng dagdag na pangangalaga at pagmamahal.

Marahil marami ang hindi nakakaalam kung ano ang totoong pinagdadaan ng mga manggagawang seaman. Maliban sa pagod nila sa trabaho, kailangan din nilang tiisin ang pangungulila sa pamilya mabigyan lamang ito ng maganda at maayos na buhay.

Ayon sa misis nito, mga bandang alas tres ng madaling araw nakuha ang larawang ito habang sandaling nagpapahinga ito.Ang ruta ng barko ay pa Singapore. Tinanong daw niya sa kasamahan ng asawa kung nasan ito at ano ang ginagawa, at iyan nga ang larawan na kanyang natanggap.

“For a seaman’s wife like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board, instead of nagging and telling them ‘You go now. Call the office because we need money,” ani Jimma sa kaniyang post.

May dagdag ring mensahe ang misis sa mga may kamag-anak na seaman.

“For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this pictures. Maybe it’s a wake up call to some families who are fighting over seaman’s money.”

Kaya huwag sana tayong mapanghusga, wag lahatin, kung may mga nagawa mang masama ang seaman sa ibang babae, wag i damay ang lahat, kanya-kanyang sitwasyon ito na dapat nating e galang.

 

Loading...