Larawan ng Mag-Inang Homeless, Nag-Viral dahil sa Kanilang Bonding Moment.

Ang pagiging masayahin ay walang halagang kayang pumantay dito, hindi lahat ay kayamanan ang batayan para masabi mong masaya ka sa buhay mo.

Maraming mayaman ang hindi masaya, dahil mas marami pa silang problemang kinakaharap kaysa mga ordinaryong tao lamang.

Isang litrato na kinuha ng isang netizen ang naging laman ng social media dahil sa mensaheng hatid nito.

Larawan ng mag-inang walang tahanan at nananatili sa kalsada, pa lipat lipat, at kung saan abutan ng dilim ay doon na lamang matutulog.

Ang mag-ina na nakuhanan, nakita lamang habang nag-ba-bonding sa gitna ng daan, pinatunayan ng dalawa na totoo ang kasabihang “The best things in life are free”.

The best things in life are free, ito ang isa sa mga sikat na kasabihan ng marami. Isang paniniwala na pinatunayan ng mag-inang homeless na spotted ng netizen na si Ameniel Del Mundo.

Ayon kay Del Mundo, nakita lang niya ang dalawa sa tramo-airport road at talagang pumukaw sa kanyang atensyon. Ang mag-ina, makikitang nag-e-enjoy sa kanilang simpleng bonding moment. Hindi pansin ang kawalan ng maraming bagay.

 

Loading...