Lalaki, Nag Barter ng Sasakyan para sa Relief Goods ng kanyang Kababayan

Sa panahon ngayon marami ang nagsilabasang mga unsung heroes kung tawagin, sila itong mga taong kusang loob na nagbibigay ng tulong kahit pa man walang nakatutok na mga kamera.

Maliban sa ating pamahalaan, halata namang hindi lahat kayang tugunan ang pangangailangan ng sambayanan, kaya mga taong may busilak na puso na lamang ang gumagawa ng paraan para mabigyan ng tulong ang kanilang kababayan.

Katulad po ni Mark Lorenze para matulungan ang mga apektado ng pandemya, minabuti ni Mark Lorenze Bas mula Talisay City, Cebu na ibigay ang kaniyang kotse kapalit ng mga relief goods.

Ayon pa sa ulat ng MMV.PH:

Ipinost ng good samaritan ang litrato ng pagmamay-aring 1993 Mitsubishi Lancer sa Facebook group na Cebu Barter Community upang maisagawa ang pamamahagi ng mga delatang pagkain, noodles, at sako-sakong bigas sa kanilang lalawigan.

“For the orphanages, the poorest of the poor, and those who are in need. Don’t hesitate to message me if you want to receive relief goods. I will deliver them to your doorstep. Half I will donate and half I will put into a business so that more will benefit,” sabi ni Bas sa kaniyang Facebook post.

Batay sa ulat ng Cebu Daily News, itinatag din niya ang non-government organization na “MLB Foundation,” na naka-sentro sa pagtulong ng ng mga batang kalye, mga nasa ampunan, at paslit na may karamdaman.

Sana marami pa ag katulad ni Mark na handang tumulong sa kanyang kababayan.

READ ALSO:

Loading...