“Kuya wala kami binawasan diyan” Mga batang kalye, Isinauli ang napulot nilang wallet na naglalaman ng pera

Sa panahon ngayon aminin man natin, minsan nalang tayo makakakita ng mga taong may matapat na puso, lalo na kapag walang mga taong naka masid sa paligid, ngunit kahit ganun pa man, may mga tao ring kahit hikahos sa buhay ay may prinsipyo ring sinusunod at isinasapuso.

Maraming mga bata , matanda at minsan buong pamilya pa ang kumakalat ngayon sa mga lansangan at tanging pamamalimos ang kanilang naging daan upang magamot ang sikmurang kumakalam.

Dahil sa hirap ng kanilang sitwasyon, aminadong hindi pa ang ilan sa kanila nakatuntong sa paaralan, o nakakain at nakadamit man lang ng maayos, yung ibang mga kabataan ay nasasangkot na rin sa hindi magandang mga gawain tulad ng mga pagnanakaw ng pera.

Kaya isang kahanga-hangang pag-uugali ang pinamalas ng mga kabataang ito, na sa gitna ng kahirapan ay hindi natukso na pakialaman ang perang kanilang napulot.

Tulad na lamang ng isang post sa Facebook kung saan ay nag-viral at umani ito ng mga positibong reaksiyon mula sa mga netizen.

Ayon kasi sa post ng isang netizen na si Xer Yoker, dalawang batang kalye ang nakapulot ng isang wallet na naglalaman ng pera.

Dahil sa kabutihang loob ng dalawang batang ito ay hindi nila pinag-interesang kunin ang wallet sa halip ay isinauli pa nila ito ng buo at walang bawas.

Dahil hindi daw sa kanila ang nasabing wallet ay minabuti nilang ibigay ito sa isang guwardiya.

Makikita sa mga larawan ng mga bata na masaya nilang ibinalik ang wallet at pabiro pa nilang sinabi na “Kuya wala kami binawasan diyan”

Nang tiningnan ng gwardiya ang laman ng isinauli nilang wallet , mga nasa malapit isang libo ang laman ng pitaka at may mga ID ng lalaking may ari ng wallet.

Kaya sa kanilang ipinakitang pagiging matapat, marami sa mga netizens ang natuwa at pumuri sa kanila, kaya naging viral din ito kaagad at marami pa ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa mga bata.

Loading...