Isang Pinay OFW, Naiyak Na Lamang Nang Regaluhan Ng Bahay Ng Dating Amo

Dahil sa kahirapan, bilang isang magulang ay gagawin ang lahat para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak, at para matugunan nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya ay mas pinili nilang maging isang OFW.

Napakahirap maging isang OFW, maliban na malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay, ay di mo pa alam kung ano ang maging kahihinatnan mo sa ibang bansa, maswerte na kung makatagpo ka ng mabait na amo at nauunawaan ka.

Marami na ring naibalitang mga OFW nating kababayan ang hinangaan dahil sa kanilang magandang ugaling ipinapakita sa kanilang amo at kasipagan, ang iba sa kanila ay binibigyan pa ng mahahalagang gamit ng kanilang mga Amo.

Katulad na lamang ng isang dating OFW na si Angel, binigyan umano siya ng regalo ng kaniyang dating Amo.

Sa isang video na in-upload sa Youtube ng amo ni Angel na mayroong vlogger name na The Hungry Syrian Wanderer, ipinakita nito kung paano niya sinagawa ang gagawing surpresa sa masipag at loyal niyang empleyado.

Pinaghandaan talaga nito ang kaarawan ni Angel, kung saan kinuntsaba nya din ang iba pa nitong kasamahan.

At para nga naman maging espesyal pa lalo ang kaarawan ni Angel, niregaluhan ng amo si Angel ng isang bahay.

Halos nagulat si Angel at di makapaniwala sa ibinigay sa kanya ng Amo, mangiyak-ngiyak siyang nagpapasalamat ng lubusan dahil sobrang mabait ito.

Saad ng amo ni Angel na mas pinili niyang ibigay na regalo ang bahay kay Angel dahil alam niya na ito ang mas kailangan niya ngayon.

Samantala, ang amo naman ay nananatili sa Pilipinas at kahit nangungupahan lamang ang among ito, hind iyon naging problema sa kaniya dahil mas pinili niyang manatili sa Pilipinas dahil mahal niya ito.

Hindi pa diyan nagtatapos ang kabaitan ng kanyang boss dahil plano pa nitong bigyan si Angel ng mga kagamitan sa loob ng kanyang bahay.

Isa nga itong patunay na kapag gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa ay may babalik din sa iyo na kabutihan na sobra-sobra, dahil sa kasipagan at katapatan ni Angel sa kanyang trabaho, nakatanggap siya ng magandang regalo.

READ ALSO:

Loading...