Isang GINTONG BANGUS ang Nasilayan Sa Palaisdaan sa Pangasinan. Tignan nyo po.

Marami ang namangha sa umanoy golden bangus na nahuli sa palaisdaan sa Barangay Carael, Pangasinan.

Batay sa ulat ng “Balitang Amianan,” pagmamay-ari raw ni Rommel Felomino ang kakaibang isda na itu-turn over niya sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kuwento ni Felomino, lumitaw ang golden milkfish nang maglagay sila ng fingerlings sa kanilang fishpond noong 2019. Inalagaan daw nila ito ng husto hanggang sa tuluyang lumaki.

Ibibigay naman nila sa BFAR ang kakaibang isda upang mapag-aralan, matutukan ng pansin, at maparami.

Hindi naman ito ang unang beses na may naitalang golden bangus sa lalawigan.

Taong 2012 nang i-ulat ng ahensiya na dinala ng isang mangingisda ang nahuling manilaw-nilaw na isda sa Binmaley, Pangasinan. Ito ay may timbang na 12 kilo at tinatayang nasa isang taon at apat na buwan ang edad.

Talaga ngang napaka hiwaga nitong mundo kung patuloy lang nating alagaan ang ating likas na kayamanan.

READ ALSO:

Loading...