Inspiring story talaga! Dating Carwash boy, Milyonaryo na ngayon dahil sa sipag at tiyaga

Marami na tayong mga naririnig na success stories na mula sa mga mahihirap na nagsusumikap para maabot ang kanilang mga pangarap. Pero kahit ganun pa man, maganda pa rin basahin at gawing inspirasyon ang kanilang mga napagdaanan upang maabot ang rurok ng tagumpay.

Kaya isa na namang estorya ng buhay mula kay Edmar na dating isang car wash boy at walang permanenteng tahanan at ngayon ay isa nang ganap na milyonaryo, paano niya kaya napagtagumpayan ito?

Wala talagang imposible kapag ito ay pinagsikapan upang maabot ang tinatanging pangarap sa buhay, sinong mag-aakala na ang dating si Edmar na taga hugas ng mga sasakyan ng mayayaman, ngayon ay may sarili na mismong sasakyan at dalawa pang bahay, may apartment, paupahan na condo unit at isang tatlong palapag na building.

Pagbabalik tanaw ni Edmar, labis ang kanyang hirap na dinanas noon bilang anak na walang tatay at hiwalay rin sa magulang, namuhay siyang mag-isa at kinaya ang bawat unos na dumarating sa kanyang buhay.

“Lahat siguro ng paghihirap ng isang anak na walang tatay at separated ang mga magulang, pinagdaanan ko.” ayon kay Edmar

Dahil dito ay kung ano-anong trabaho ang pinasok ni Edmar para maisalba ang pang araw-araw na kainin. Nasubukan na din nitong maging tindero ng gulay, parking boy, tagabantay ng computer shop, hanggang sa naging car wash boy ito.

Kwento pa nito, lubos na nalungkot siya nang dating makipag-sapalaran siya sa ibang bansa para makahanap ng trabaho ngunit hindi siya pinalad.

“Sinuyod ko lahat ng trabaho sa Macau, pasa ng resume diyan, pasa ng resume doon kasi pursigido talaga akong makahanap ng trabaho kaso wala talaga.” dagdag pa niya.

“Iyak lang ako nang iyak kasi ayoko ma-disappoint sa akin ‘yung nanay ko ‘eh.” dagdag pa nito

Gayunpaman, hindi parin nawalan ng pag-asa si Edmar at nag-aral ito sa TESDA kung kaya nakaipon ito ng kaunti mula sa natatanggap nitong allowance na binibigay ng TESDA at ginamit niya ito para magpatayo ng isang maliit na food cart.

Pumatok ang business niyang ito kung kaya nakapag pagawa pa siya ng anim pang food cart at dito na siya unti-unting kumita na pera at nabago ang kanyang kapalaran.

“Lahat ng mga pinagdadaanan nilang hirap o mga struggles sa buhay, ‘wag nilang dibdibin. Lahat ng mga tao na ang tingin sa akin is ang liit, na walang pag-asa, na hanggang diyan ka na lang, na wala kang mararating, ‘yang mga salitang yan ‘yung naging motivation kung paano ko pinaasa ‘yung sarili ko.” kwento ni Edmar.

Naniniwala din si Edmar na daig ng madiskarte ang matalino.

Ganunpaman, kahit anong sarap na nang buhay ngayon ni Edmar ay hindi parin mawala-wala ang pait na nararamdaman niya dahil hindi buo ang pamilya nito.

Sana man raw ay magkaroon sila ng pagkakataong magsama-sama na parang buong pamilya.

Loading...