Ian Veneracion May Ibinunyag na Dahilan Kung Bakit Panatag ang Kanyang Asawa na Hindi siya Magloloko.

Isa sa mga sikat na aktor na halos hindi kumukupas ang kagwapuhan itong si Ian Veneracion, marami ang kinikilig kapag siya ang umeeksena sa mga pelikula.

Bata pa lamang siya ay nagsimula ng umusbong ang kanyang karera sa pag-aartista, dahil sa likas na talento mas mabilis na sumikat at naging kilala sa larangan ng showbiz.

May panahong tumigil siya sa paggawa ng pelikula, ngunit sa kanyang pagbabalik ay mainit pa ring sinalubong ito ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta, marami pa rin ang nag-aabang sa kanyang mga pelikula, pinuri rin siya dahil sa walang kupas niyang kakisigan at kagwapuhan. Marami naman siyang proyektong tinaggap sa kanyang pagbabalik telebisyon.

Sa kanyang mga proyekto, di maiiwasan na magkaroon siya ng kapareha na magagandang babae sa industriya. Ilan sa mga ito ay sikat sa showbiz at nagseseksihan.

Pero ayon sa aktor, kahit pa man nagkaroon siya ng mga maiinit na eksena sa kanyang mga pelikula kasama ang mga magagandang babae, kahit kailan ay hindi umano sumagi sa kanyang isipan na lokohin at pagtaksilan ang kanyang asawang si Pam Gallardo.

23 taong kasal na sina Pam at Ian, at ayon sa aktor ay hindi ito selosa, kaya napahanga din siya sa asawa. “Hindi siya selosa, eversince.She’s too proud na ipakita sa akin and i love her for that.”

Inamin naman ni Ian na napakaraming temptasyon at tukso sa loob ng industriya, ngunit, sanay na sanay na siya sa presensya ng mga kababaihan. “So far,ok pa naman ako.. okay pa.. still in good placr.” ayon sa aktor.

Wala din daw siyang balak mangabit dahil gastos lang umano ito, si Misis niya ang humahawak ng kanyang pera at kusang ibinibigay niya ito dahil mas gusto niyang ito yung nagbu-budget.

Kasi kung hindi ko iyan paikutin, wala, parang baldeng butas yun. Hindi ako businessman, it’s her business. I’m happy. She’s really good on it.”

Pahayag pa ni Ian na 22 taong gulang palang sya nung ikasal sa asawang si Pam, at hindi siya nagsisi , bagkus ito yung pinaka tamang desisyon na kanyang ginawa sa kanyang buhay.

Loading...