Eksperto, May Mahalagang TIPS sa Pananamit para Maka Iwas sa C0VID-19.

Lahat ng tao sa ngayon ay sinisiguradong ligtas na makauwi at c0vid-free sa kanilang pamilya, kaya nga malaking sakripisyo ng mga frontliners kapag sila ay dumating sa kanilang bahay, dapat sundin ang mga protocol para iwas na mahawaan ang buong pamilya.

Pero mayroong tips ang mga eksperto kung paano ang wastong pananamit para maiwasan ang c0vid, dahil sa ngayong unit-unti ng bumabalik ang mga tao sa kani-kanilang trabaho.

sinabi ng isang eksperto na makakatulong ang pagpili ng damit para hindi maikalat o masagap ang c0ronavirus.

Ilan sa halimbawa ng dermatologist na si Winlove Mojica ay ang pagsusuot ng button down short-sleeve polos para sa mga babae at lalaki sa halip na masikip o round-neck na t-shirt.

“Kasi mas mabilis sila tanggalin, mas mabilis sila hubarin. At the same time, hindi natin sila kailangan idikit sa ating mukha ‘pag huhubad,” ani Mojica.

Inirerekomenda rin ni Mojica ang pagsuot ng short sleeves kaysa long sleeves, at iwasan din ang pagsusuot ng mga jacket, scarf, at cardigan.

Hindi rin aniya advisable na magsuot ng mga fashionable ng personal protective equipment.

“Kasi iniisip ng tao, kailangan takpan ‘yong sarili nila para makaiwas sa v1rus,” ani Mojica.

“The more you put on, the more chances of winning, kasi mas marami ka tatanggalin, mas marami kakapitan v1rus,” aniya.

Isama na rin daw sa puwedeng dapuan ng v1rus ang accessories tulad ng mga bag, alahas, at mga relo.

Makabubuti rin umano na itali o i-ponytail ng mga babae ang kanilang buhok imbes na ilugay.

Mainam din ang paggamit ng mga sapatos na gawa sa goma para nahuhugasan at nadi-disinfect, ani Mojica.

Iginiit din ni Mojica na mabisa pa rin ang laging paghuhugas ng kamay.

Ipinayo rin niyang ideretso sa labahan ang mga damit na isinuot sa labas para hindi na maikalat pa kung makasagap ng cor0navirus.

SOURCE: ABS-CBN

Loading...