De-Latang Kasama sa Ayuda ng LGU, Inireklamo dahil sa Masamang Epekto nito, Di pala Rehistrado.

May mga nagsasabi na ilang residente na nakatanggap di umano ng ayuda na mga de latang hindi rehistrado sa Food and drug administration (FDA).

Marami rin ang mga nagrereklamo sa mga bigas na binibigay bilang ayuda dahil mabaho na raw at ina amag ang ilan sa mga ito.

Kasabay ito ng paglabas ng abiso ng FDA – isang attached agency ng Department of Health – sa kanilang Facebook page na nagbabala laban sa pamimili at pagkonsumo ng mga de latang “MF Mucho Karne Norte” at “MF Mucho Meat Loaf” na pawang hindi rehistrado.

Isa sa mga nakatanggap ang isang Bayan Patroller sa Muntinlupa City, na may napansing kaduda-duda nang matanggap ang relief packs.

“Inamoy ko siya, parang strong po ‘yung amoy niya. Prinito ko pa rin po kasi mahirap po talaga lumabas lalo na po dito sa Muntinlupa,” aniya.

“Kumain po ‘yung anak ko pero buti nga po kaunti lang din po. Medyo sumakit po ‘yung tyan. May iba daw na sumuka, may iba raw na nagtae. Pero salamat sa Diyos hindi po kami ganoon,” ayon sa Bayan Patroller.

Nag-aalala din siya sa posibilidad na mahawahan ng C0VID-19 sakaling kailanganing isugod ang mga anak sa ospital.

Paliwanag ng FDA, hindi dumaan sa pagsusuri ng kanilang ahensiya ang nasabing mga de-latang posible itong magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.

“Ang pagkain kasi maaaring ma-contaminate ‘yan, so hindi po talaga natin siya masasabi na safe siya kung hindi po man lang siya narehistro or na-check ng FDA. Sa pagkain ang wina-watch out for natin is gastro-intestinal upset, vomiting, diarrhea, mga signs of food po1soning,” ani FDA officer-in-charge Eric Domingo.

Ayon naman sa Public Information Office ng Muntinlupa City, umaksyon naman agad sila oras na makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa mga de lata sa relief packs bago pa man ilabas ng FDA ang nasabing abiso.

“What we did was ‘yun pong mga de-latang ‘yon ay agad naming tinanggal sa boxes. That happened a week ago. If they think na sila ay kabado dun sa pagkain na ibinigay na tulong, ‘wag nilang kainin.

Isauli na lang sa City Hall,” ani Tess Navarro ng Muntunlupa PIO.

Ayon kay Domingo, rehistrado naman sa FDA ang manufacturer pero maaaring hindi dumaan sa registration process ang dalawang produkto.

Planong bigyan ng v1olation report ang kompanyang sangkot sa paggawa ng dalawang produkto.

Pinuntahan ng Bayan Mo, Ipatrol mo ang tanggapan ng Mofel’s Food International Corporation sa Makati City, pero wala umano roon ang may-ari.

Sinubukan ding tawagan ng Bayan Mo, Ipatrol Mo ang kompanya pero wala pa rin silang tugon.

Loading...