Babaeng Natulog Na Basa Ang Buhok, Isinugod Sa Ospital Kinabukasan!

Palaging saway sa atin ng mga matatanda noon na huwag matulog na basa ang ating mga buhok, pero hindi naman sinasabi kung ano nga ba ang masamang epekto ng pagtulog na basa ito.

Ngunit talagang mapaglaro ang panahon at sitwasyon, kasi kung saan pa na basa ang mga buhok ay lalong mas masarap matulog.

Ayaw nga nating maniwala hanggat wala tayong nababalitaang na apektuhan, kamakailan lamang, isang 32 anyos na babae sa China, ang nakaranas ng facial paralysis dahil natulong siyang basang basa ang kaniyang buhok.

Ang babae, na kilala sa apelyidong Xiong ay nagtatrabaho sa isang shopping mall at dahil sa pagiging abala, madalas ay hindi niya napapatuyo ang kaniyang buhok at nakakatulog ito, ayon sa ulat ng China Times.

                                                  Illustration only

Isang araw, nagulat siya nang siya ay magising at napansin na hindi na niya magalaw o makontrol ang kaliwang bahagi ng kaniyang mukha. Si Xiong ay mabilis na tumingin sa salamin habang nagsisipilyo ng kaniyang ngipin. Doon, nalaman niya na ang kaniyang bibig ay hindi nakaayos.

Siya ay nagmadaling pumunta sa ospital at ang mga doctor ay na-diagnosed siya na mayroong Facial Nerve Paralysis o mas kilala bilang Bell’s Palsy. Sinabi ng mga doctor na ito ay maaaring sanhi ng kaniyang pagtulog na basa ang buhok.

Ang mga eksperto ay pinaliwanag din na ang paralysis ay marahil dahil sa pagbabago ng temperatura ng kaniyag katawan dahil sa basang buhay na maaaring nag-udyok ng sakit at naging sanhi para ang kaniyang mukha ay makaranas ng pasma. Dahil dito, ito ay magiging sanhi ng facial paralysis partikular na kapag ang katawan ay nasa relaxed na estago kapag natutulog.

Sinabi din nito na ang pagtulog ng basa ang buhok sa iyong unan ay maaaring maging breeding ground para sa mga bacteria na nagiging dahilan para umiral ang impeksyon.

Sa kabilang banda, si Xiong ay nakabawi at nakakuha ng kompletong kontrol sa kaniyang facial muscles matapos ang sampong araw na paggamot.

Ayon sa Wikipedia, and Bell’s palsy ay isang uri ng facial paralysis na nagiging resulta para hindi makontrol ang facial muscles sa apektadong parte. Ang mga sintomas nito ay nagbabago mula sa katamtaman hanggang ito ay lumala. Kasama na dito ang muscle twitching, panghihina, o kaya naman ay ang pagkawala ng abilidad na gumalaw ang isa o bibihira na parehong dako ng mukha.

Ang ibang pang sintomas ay ang sakit sa paligid ng tainga, pagtulo ng mga talukap ng mata, pagdagdag ng sensitibo sa tunog, at mga pagbabago sa panlasa, ang sintomas ay dumarating sa loob ng 48 oras.

Loading...