107 Taon Na Lola, Isiniwalat Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: ‘Huwag Mag-Aasawa’

Ang buhay ay pahiram lang sa atin ng Diyos, kaya lahat tayo sa mundong ito ay mga manlalakbay, habang tayo ay humihinga gumawa tayo ng mabuti na balang araw ay maalala tayo dahil sa mga naiwan nating mabuting ginawa sa ating kapwa.

Napaka swerte ng mga tao sa ngayon na nakatuntong sa edad na 80-90 taong gulang, isang biyaya kung maituturing ang pagkakaroon ng mahabang buhay.

Sino nga ba ang ayaw magkaroon ng mahabang buhay para makasama pa ang mga mahal na kapamilya? kaya sa panahon ngayon na masyadong matalino na ang mga tao, maraming mga nagsilabasang suhestyon kung paano humaba ang buhay ng tao.

Narito naman ang isang kwento kung saan yan daw ang kaniyang sekreto para umabot sa edad na 107.

Normal na sagot ng mga tao kapag tinatanong ng kanilang paraan para pangalagaan ang katawan at humaba pa ang buhay ay ang pagkain ng masustansya, pag eeheersisyo, tamang oras ng pagtulog at iwas sa mga stress na gawain.Ngunit ang isang ginang ay may kakaibang sagot.

Ang ginang na aming tinutukoy ay kakadiwang lamang ng kanyang 107 na kaarawan. Nakakagulat pero tunay nga, tama ang iyong nabasa, siya ay 107 taong gulang. At ang kanyang lihim sa mahabang buhay ay walang iba kundi – ang hindi kailanmang pagpapakasal sa kung sino man.

Naibalita ng CBS New York na si Louise Signore ay nag diwang ng kanyang kaarawan noong Hulyo sa JASA Bartow Senior Cente. Si Ginang Louise Signore ay ipinanganak sa Manhattan New York noong 1912, ngunit lumaki siya sa Bronx (kung saan nagmula ang sikat na artista at mananayaw na si JLo) kung saan siya nakatira mula pa noong siya ay 14 taong gulang pa lamang.

Ang masayahing ginang na ito na panay ang suot ng kulay rosas ay may isang nakaka aliw na talento na tila laging nagbibigay saya sa kanyang mga kasamahan sa tahanan ng mga matatanda. Ang kanyang kaibigan na si Deborah Whitaker, ay nagsabi na si Louise ay walang kasing lakas sa kanyang edad.

Dagdag pa ni Deborah na si Louise ay walang kapaguran, panay ang lakad ng walang tungkod o “wheelchair” at panay ang pamimili ng kanyang mga pangangailangan kahit magisa lang siya.

“Sa palagay ko, ang koneksyon niya sa kanyang mga kapitbahay sa komunidad at pati na rin ang kanyang mga kaibigan dito sa senior center ay nakakatulong upang mapanatili niya ang kanyang sigla,” sabi ni Aisha Parillon, ang “senior director” ng mga “senior service” ng JASA.

Inihayag ng babaeng Italyanong ito na sumasayaw pa rin siya araw-araw at naglalaro ng “bocce”, na kung saan ay isang larong ginagawa pa noong Sinaunang Roma na ginagamitan ng mga bola. Sinabi rin ni Louise na siya ay nabubuhay ng mag-isa at ito ang tunay na pangunahing susi sa mas kaunting stress sa kanyang buhay.

Sinabi ni Louise, “Sa palagay ko ang sikreto ng 107 kong edad ay: ang hindi ko pagpapakasal. Sa palagay ko ito ang sikreto. Nasabi pa ng aking kapatid kung minsan na ‘sana hindi na lang ako nagpakasal’. ”

“Kung mayroon silang programang pang ehersisyo, ginagawa ko ang pag eehersisyo. Kung sumasayaw sila, sumasayaw din ako. Gumagawa pa rin ako ng kaunting pagsasayaw kahit tapos na sila. Matapos ang aking tanghalian, naglalaro naman ako ng bingo, pagkatapos nun buo na ang araw ako. ” dagdag pa niya.

Loading...