SILIPIN: 500M Worth na “Super Yacht” ni Sen. Manny Malapit ng Matapos.

Unang nakilala si Senador Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, dahil dito mula sa mahirap na pamilya ay nakabangon sina Manny at nagkaroon ng magandang buhay.

Di lingid sa kaalaman ng lahat na si Sen. Manny ay may busilak na puso, dahil sa marami na nitong natulungang tao at patuloy pang tumutulong hanggang ngayon.

Kaya bilang regalo naman nya sa kanyang sarili ay nagpagawa siya ng yate na tinatawag “Super Yacht” sa Saranggani.

Nasa mahigit 45 meters ang haba nito at kumpleto ang mga kakailanganing kagamitan sa loob, mayroong 13 stateroom para sa private alfresco area, ang mga pader ay gawa sa rattan at sa puno ng narra naman ang sahig nito, mayroong master suite at 14 na kwarto, napakalaki at bongga talaga ang yate ni Sen. Manny.

Tinawag itong super yacht dahil sa magarbong arrangement sa loob, bawat kwarto ay may relaxation room, music room at hot tub na nasa ibabaw ng main deck.

Jotar Ship Building naman ang gumawa ng Super Yacht ni Boxing Champ sa Saranggani General Santos City, malapit na rin daw itong matapos ayon sa kanila.

Estimate naman nila na nasa kalahating bilyon o 500 milyon ang nagastos dito ni Sen. Manny, di naman maikakaila na kayang kaya ito ni Sen. dahil sa maraming ipon nya at negosyo dahil sa napanalunan sa boxing.

Bukas palad namang ibinabahagi ni Sen. Manny ang kanyang napanalunan sa kanyang mga laban, kaya blessed na blessed sya sa lahat ng bagay, at deserved din nya na ipagawa ang gusto nya para sa kanyang pamilya.

Loading...