Sila pala ang mga Kilalang Personalidad Na Kabilang Sa Top 100 Stockholders Ng ABS-CBN

-Sikat na mga artista, kabilang sa Top 100 stockholders ng ABS-CBN.

-Ang stockholder ay ang siyang may-ari ng isa o higit pang shares sa capital stock na mayroon ang isang korporasyon.

-Kabilang sa mga ito ay si Jose Mari Chan, kung saan siya ay nasa ika-siyam na puwesto.

Naging madamdamin ang pagsara ng ABS-CBN Network dahil sa marami umanong empleyado ang apektado dito na nasa 11,000 katao.

You may also read:

Mister, Nag File ng Divorced Ng Makita Sa Malapitan Ang Larawang Ito.

Batang Lalake Na Nahulaan Ang C0VID-19,Nagsabi Na Matatapos Ito Ngayong May 29,2020

Dahil sa pagsara at pagpapatigil sa pag ere ng mga palabas, malaki ang impact nito sa income ng naturang kompanya, at apektado rin ang mga stockholders nito.

Base naman sa disclosure website ng Lopez Holdings Corporation noong Marso 31, 2019, karamihan sa kabilang sa top 100 stockholders ng broadcasting media giant ay ang ilan ding mga artista at mga bosses na nagtatrabaho sa Kapamilya network.

Kabilang sa listahan ng Top 100 Stockholders ng ABS-CBN Corporation ay ang beteranong musikero na si Jose Mari Chan kung saan siya ay nasa ika-siyam na puwesto.

Tinatayang nasa mahigit na 1,257,130 shares ang pagmamay-ari ni Chan sa ABS-CBN Corporation.

Samantala, ang CEO at president naman ng ABS-CBN Corporation na si Carlo Lopez Katigbak ay nasa top 13 stockholder habang ang chief operating officer naman ng ABS-CBN na si Ma. Socoro ‘Cory’ Vidanes ay nasa top 14.

Si direct Lauren Dyogi naman ay nasa ika-16 na puwesto sa listahan ng stockholder samantalang ang managing director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan ay nasa ika-20 na puwesto.

Nasa ika-25 na puwesto naman ang TV Patrol anchor na si Noli De Castro at nasa ika-26 naman na pwesto ang Quezon City Mayor na si Joy Belmonte kasama ang dating speaker of the House na si Feliciano Belmonte, Jr.

Samantala, nasa top 29 stockholder naman ang actress na si Angel Locsin at si Daniel Padilla naman ay nasa ika-54 na puwesto.

Samantala, si Ice Seguerra naman ay pang top 76 na sinusundan ni Vic Sotto na nasa top 77 habang si Angelica Panganiban ang siyang nasa ika-79 na pwesto, John Estrada na nasa ika-88 na puwesto at pang 96 na puwesto naman ang actress na si Kim Chui.

Ang actress naman na si Bea Alonzo ang sumusunod sa actor kung saan ito ay nasa ika-55 na puwesto bilang stockholder ng kumpanya. Ang dating Kapamilya artist na si Kris Aquino ay nasa ika-64 naman na puwesto.

Loading...