Reaksyon ni Royce Cabrera on trending laplapan scene with Yayo Aguila: “Nagkasabayan nga!”

Naging matunog ang pangalang Royce Cabrera dahil sa viral video matapos kumalat sa YouTube at Facebook ang Cinemalaya 2019 film nilang Fuccbois, na idinirek ni Eduardo Roy Jr. kung saan tinanghal ng mga netizen na lap-lap queen si Yayo Aguila, Si Royce ang ka partner ni Yayo Aguila sa video na yaon.

“Nagulat din talaga ako dahil sa YouTube lumabas ang movie namin na supposed to be, may plano pa sina Direk doon,” lahad ni Royce nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Messenger nitong Mayo 4, Lunes.

“Pero nangyari na, e. Kahit mali dahil pinirata, yung positive side na lang ang tinitingnan ko.”

Hindi makapaniwala si Royce na sa kauna-unahang pagkakataon ay naging trending topic siya.

“Hindi ko pa alam kung paano talaga ang magiging pakiramdam ko, kasi ganito pala ang feeling ng nagte-trend. Ha! Ha! Ha!

“Lalo sa social media… dahil ang laking parte nito ngayon sa society natin.

“Nagpapasalamat ako, kasi hindi ko in-expect na ganoon ang magiging feedback sa movie namin, lalo na sa LGBQT+ community.

“Grabe yung suporta nila sa amin and sa movie,” sabi ng 24-year-old newbie actor.

Noon pa man ay pinupuri na ng mga beteranong artistang sina Ricky at Yayo ang performance nina Royce at Kokoy, na mga baguhan sa industriya ng pelikula.

“Lahat naman kami sa pelikula, ibinigay namin yung best namin,” saad ni Royce.

“Kasi, maganda yung material. Magaling ang direktor, si Direk Eduardo Roy.

“Kilala naman natin iyan pag gumawa ng pelikula, e, mahusay.”

Patuloy ni Royce, “Sina Sir Ricky and Miss Yayo, e, talagang mga batikan na actor at actress kaya dapat, hangga’t maari, e, sabayan mo talaga sila.

“Kaya ayun, nagkasabayan nga sa mga eksena! Ha! Ha! Ha!”

Anong reaksiyon ni Royce nang tagurian at koronahan si Yayo bilang “Laplap Queen”?

“Natawa ako nang nabasa ko ‘yang Laplap Queen. Ha! Ha! Ha!” pag-amin ni Royce.

“Gayon pa man, e, ginawa talaga ni Miss Yayo yung best niya.

“Kasi, ganoon naman talaga, di ba?

“Kung may isang bagay na gagawin ka, siguraduhin mong itotodo mo na at gagawin nang tama para naman pag nakita ng mga tao, masasabi nilang pinaghusayan mo talaga ito.”

Maraming nakapansin na nakipagsabayan talaga si Royce sa torr1d k1ssing scene nila ni Yayo.

Magaling ba talaga siya sa French k1ss?

“Hindi ko naman masabi kung magaling ako,” sabi ni Royce.

“Siguro, yung viewers ang makakapagsabi niyan. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero siyempre, tulad nga ng sabi ko, gagawin ko pa rin ang best ko.

“Kasi, part ng work namin yun at ganoon ka dapat kaseryoso pagdating sa trabaho.”

Loading...