Qualified Family na hindi Nabigyan Pwedeng Umapela, Cash Aid Releasing Extended na rin.

Goodnews para sa mga Pamilyang kwalipikado pero hindi naka lista sa masterlists beneficiary ng SAP, maaari pa po kayong mag apela sa DSWD para ma assess at mabigyan ng ayuda.

At extended na rin ang pag release nito na noon ay sinabing hanggang Abril 30 lamang ito.

Ayon sa ulat:

Aprubado na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapalawig ng distribusyon ng social amelioration program sa Metro Manila at iba pang lugar na may mataas na populasyon.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na may pitong araw na extension sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu City at Davao City habang apat na araw naman na extension sa iba pang LGUs na may problema.

“Meron staying extension pero seven days lang,” wika ni Año sa press briefing sa Palasyo.

“We’re thinking of granting an extension to these LGUs particularly, the National Capital Region, the provinces of Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu City and Davao City. We’ll be providing them seven days extension and for other LGUs na may problema four days extension,” sabi ni Año.

“Pinag-aralan namin ni [Department of Social Welfare and Development] Secretary Roly Bautista

‘yung situation ng Metro Manila at iba pang mga lugar na may high-density population ng mga urban poor families at nakita namin na valid naman ‘yung kanilang mga reasons,” giit ni Año.

“Kaya naman nilang i-distribute talaga ‘yan sa tamang oras pero maba-violate ‘yung physical and social distancing so balewala din, na-defeat din natin ‘yung purpose na huwag mag-spread ‘yung virus,” dagdag pa ni Año.

Matatandaang April 30 ang itinakdang deadline sa LGUs para ipamigay ang unang bugso ng cash subsidy para sa mga benepisyaryo.

SOURCE: BULGARONLINE

Loading...