Pulis na Nagpapatrolya Habang Sakay sa Kalabaw,Pinuri ng mga Netizens.

Naging laman ng social media ang viral picture ng mga pulis na ito na nagpapatrolya habang sakay sakay sa kalabaw.

Sa larawan, makikita ang dalawang pulis na nagpapatrolya, hindi gamit ang motor o p0lice mobile, kung hindi sakay-sakay ng dalawang kalabaw. Hindi batid ang dahilan kung bakit sa kalabaw kinailangang sumakay ng dalawang opsiyal, ngunit kinatuwaan naman ng netizens ang magiging mapamaraan ng dalawa.

Ang larawang ito ay mula sa facebook post ni Jake Sky, na ayon sa kanya, ang dalawang pulis daw ang patunay na totoo ang isang awit ng reggae icon na si Bob Marley na ‘Buffalo S0ldiers.” Sabi naman ng ilang netizens, lalo raw naging astig tignan ang mga opisyal na nakasakay sa kalabaw.

Umani naman ng maraming positibong komento ang larawang ito, Pahayag ng ilan, mabisang paraan daw ito upang makapagtipid ng gasolina sa panahong ito. At sinabi nilang sa mga lalawigan ay patuloy pa ring ginagamit ang mga kalabaw at iba pang hayop bilang kanilang transportasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataong naiulat ang pagsakay ng isang Pilipino sa kalabaw sa panahon ng ECQ. Kamakailan, trending rin sa social media ang isang lalaking dumaan sa isang checkpoint sakay ng isang kalabaw.

Wala raw nagawa ang mga nagbabantay sa checkpoint kung hindi padaanin na lamang ang lalaki dahil hindi naman daw kasama ang mga kalabaw at hayop sa ipinagbabawal na transportasyong ngayong may ECQ.

Sa inyong lugar, patuloy pa rin ba ang paggamit ng kalabaw o kabayo bilang transportasyon? ano ang masayang ala-ala nyo sa mga ito?

Loading...