Panuorin: Mga Nanay na Hindi Kumakain ng Cheap na Bigas, Ibinalik dahil pang Aso daw ito.

Mahigit isang buwan na ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong bansa, kaya marami na rin ang nailabas na pundo ng Pamahalaan para ibigay bilang ayuda sa mga mamamayan.

Namimigay ng goods ang bawat lokal na pamunuan na umabot hanggang 3rd wave, na may lamang bigas, mga delata at instant noodles, sa ibang Brgy. naman ay mga buhay na manok, isda , mga shell at gulay.

Pero,imbes na pasasalamat ang binibigkas ng mga residente, reklamo ang natatanggap ng mga taga bigay dahil sa klase ng bigas na kanila umanong ipinamimigay, may amoy at halos hindi nga daw makain.

Kaya isang video ang nag viral na pinost ni Marikit Alvaran kung saan makikita na ibinabalik ng mga residente ang mga supot na may lamang bigas dahil umanoy hindi sila kumakain ng ganuong klase o mumurahing bigas.

Ayon sa dalawang ginang na nasa video, hindi umano sila kumakain nang ganun klaseng bigas. Dagdag pa ng isang ginang, ito ay para sa mga aso.

Sa panahon ngayon, kailangan pa ba nating magreklamo? o hindi nga naman katanggap tanggap ang relief na ibinigay?

Sa inyong mga lugar, naranasan nyo din ba ang ganitong mga scenario?

SOURCE: ZEIBIZ

Narito po ang video:

Loading...