Panuorin, ang Napaka-Engrandeng Kasalan Noon ni Da King at Susan Roces sa malinaw na kuha.

Ang kasal ay minsan lamang dumarating sa buhay ng tao, kaya kadalasan mas pina bongga at engrande ang kaganapan nito, sa panahon ngayon na napaka high tech na ng teknolohiya, ang mga larawan noon ay pwede ng mas pagandahin pa ngayon.

Katulad ng sikat na mag asawang Fernando Poe Jr. o kilalang si “The King” at Susan Roces, ang kanilang kasal ay tinutukan din ng videographers at photographers noon, ngunit dahil sa haba na ng panahon, hindi na gaanong malinaw o maganda ang quality ng kuha nito.

Dahil sa katagalan ng panahon, yung iba ay gumagamit ng teknolohiya para naman sa kanilang advantage at e restored ang mga nakaraang video para maging malinaw at maganda ang kalidad ng kuha nito.

Ang kanilang kasalan ni The king at Miss Susan Roces ay naganap sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills, Mandaluyong noong Dec.25, 1968. Isa ito sa pinakamalaki at magarbong kasalan ng kanilang kapanahunan, Si dating Pres. Marcos at asawa nito ang isa sa mga primary sponsors.

Hindi man pinalad na magaroon ng kanilang sariling anak ang dalawa, ngunit sila ay nag-ampon at ngayon ay senadora na rin ng bansa- Senador Grace Poe.

Ang kanilang video ay naka Black in white, pati raw ang kanilang mga litrato, pero dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya ang mga litrato at videong ito ay magically restored.

Sa nasabing restored video, parang kinunan lang daw ang kasalan noong nakaraang taon dahil sa kalidad nito, mas klaro kaysa orihinal na video.

Narito po,panuorin nyo:

Loading...