Pag-Iba Ng Itsura Ng Sikat Na Aktor Na Si Mon Confiado, Ikinagulat Ng Karamihan

Ang buhay ng isang artista ay hindi daw madali tulad ng inaakala ng iba, marami ang sumisikat dahil sa galing at talento nila, marami rin ang bumagsak at mas piniling umalis sa larangan ng showbiz.

Bilang isang artista ang buhay mo ay parang isang bukas na libro, na sinuman ay nakaka-alam ng mga nangyayari sayo, kahit hindi mabuti ang iyong pakiramdam, kinakailangan mong maging mabuti at kahanga-hanga sa harap ng publiko, kung mahina ka ay talo ka.

Mayroon talagang mga artista na gagawin ang lahat para mapagtagumpayan ang role na kanilang pinasukan, sinasakripisyo nila ang kanilang physical na kaanyu-an.

Marami ang nakakakilala sa aktor na si Ramon Veroy Confiado o mas kilala sa pangalang “Mon Confiado”.

Hinahangaan ng karamihan si Mon dahil sa magaling nitong pag acting bilang kontrabida sa mga serye at ginawang pelikula.

Ngunit marami ang nagtaka dahil sa pagbago ng itsura at pisikal na anyo ng actor na makikita sa kanyang teleserye na “Heneral Luna” na ginampanan niya bilang si ‘Emilio Aguinaldo’ dahil makikita ang kanyang labis na pag payat dito.

Sa kanyang IG post nagpahayag ang aktor sa Netizens,

“Physical Transformation in the name of cinema isn’t always easy. It requires a lot of discipline, dedication, passion, sacrifice, commitment and love for the art. #dramaticphysicaltransformationforaole #chameleon”.

Dahil dito, punuri sya ng ibang aktor at ng netizens. Dahil sa pagmamahal sa trabaho, dedikasyon at talagang hilig niya dito ito ang rason kung bakit sumikat at talagang tumagal sa industriya ang isang Mon Confiado.

“One of the most important elements in acting is characterization: making characters seems vivid, real, alive” dagdag pa ng aktor.

Maraming netizen naman ang nabigla sa kanyang imahe dahil akala nila ay may ini-indang sakit daw ang naturang aktor.

Loading...