Nobyo, pinasok ang iba’t-ibang trabaho para mapa-aral ang GF na nagtapos ng Cum Laude.

“Edukasyon ang tanging kayamanang hindi mananakaw ng sino man” yan ang kadalasang naririnig natin sa mga taong nagbibigay inspirasyon , at totoo naman, kaya kahit sobrang hirap ng kalagayan ng ibang tao ay nagsusumikap ito makatapos lang sa kanilang kurso.

Ang swerte ng iba na ipinanganak na mayroong kaya sa buhay, pero mas masarap lasapin ang tagumpay kapag nagdaan ka sa iba’t ibang uri ng suliranin sa buhay makamtan lang ang diploma at ibigay sa ating mga magulang.

Katulad na lamang ng kwento ng buhay ni Blessy Parreño, nakaka inspire dahil katulong niya sa pag-abot ng kanyang pangarap ang kanyang kasintahan na si RM De Martin, na siya namang nagbibigay tulong sa kanya para mapagtapos ang kolehiyo.

Ayon sa Filtimes:

Sa pamamagitan ng isang post, ibinahagi ni Blessy ang kanilang life story kung saan inilahad nito lahat ng mga kahirapan at pagsubok na hinarap nilang magkasintahan bago paman siya makapagtapos sa kolehiyo.

Ayon sa dalaga, nagsikap ang kanyang nobyo na si Martin at pinasok pa ang kung ano-anong trabaho. Naging construction worker ito, cook, at ngayon ay OIC na ng Mang Inasal para lang matulungan siyang makapagtapos sa kanyang pagaaral.

Dahil na rin sa nakita ng dalaga ang sakripisyo ng kanyang nobyo, minabuti rin niyang suklian ito ng pagbubuti niya sa kanyang pag-aaral at nagbunga naman ang kanilang sakripisyo dahil si Blessy ay nakapagtapos bilang Cum Laude sa Capiz State University.

Hindi naman maitatago sa mata ng maraming tao ang akusasyon, pamamaliit at panlalait, pero ito yung mga salitang tunay na nagbibigay lakas at motibasyon upang magsikap pa at abutin ang mga pangarap.

Ngunit sa lahat ng hinarap na pagsubok ng dalawa, laking pasasalamat naman ni Blessy at super proud sa ginawang pagsisikap ng kanyang nobyo upang maitaguyod ang kanyang pag-aaral sa loob ng 4 na taon.

Talaga ngang walang hindi kayang marating kapag ito ay pinagsikapan at pinagtutulungan, marami ang ma inspire sana sa kwentong inilahad ninyong dalawa.

Loading...