Netizen,Ibinahagi ang Larawan ng Batang Kumakain Umano ng Karton bilang kanyang Pagkain sa Araw-araw.

Isang concerned citizen ang nagbahagi ng nakakadurog na estorya ng isang batang kumakain ng isang karton o paper box sa halip na kanin.

Marami na ngayong kumakalat na mga kabataan minsan isang buong pamilya pa ang lumalakad at humihingi ng pagkain at limos para magkaroon ng salapi at makabili ng kanilang pangangailangan. Kadalasan sa mga kabataan na ito ay mga inabandona ng kanilang mga magulang.

Nakasanayan na nilang tumira sa lansangan o saan mang pwedeng may masisilungan, ma swerte naman kung minsan may mga mabubuting loob na nagbibigay sa mga mas nangangailangan ng tulong.

Kamakailan lang,isang concerned citizen na si Lenstein Hortal ay nagbahagi ng isang nakakadurog sa puso na eksena ng isang batang nakatira sa lansangan na kanyang nakita sa 7/11 store sa Sampaloc,Tanay. Kanyang ibinahagi kung paano namumuhay ang batang ito.

Ayon sa kanyang post, nakita nya ang bata sa gilid ng store kung saan dyan din nakalagay ang mga case at boxes. Nakita nya ang batang kumakain ng karton.

Pinuntahan nya ang bata at tinanong ito dahil naawa sya sa sitwasyon ng bata, tinanong nya kung bakit kinakain nito ang karton. Sagot ng bata ay ito daw ang kanyang pagkain sa buong linggo.

Patuloy daw nyang tinatanong nag bata pati sa history nito. Siya ay 16 year-old, inabandona daw sya ng kanyang pamilya at hindi nakapagtapos ng kanyang pag-aaral, ang matandang kapatid daw nya na lalaki ay itinapon ang mga damit nito.

Kaya sa pamamagitan ng social media ay ipinost ni Hortal ang sitwasyon ng bata sakaling may iba pang gustong tumulong dito. Naging viral naman ito at ang iba ay gusto rin mag abot ng tulong.

Loading...